Chapter 05: Apartment

13 0 0
                                    


Astrid P.O.V

Paikot ikot ako sa school ground pilit hinahanap kung saan nga ba nagpunta ang mga iyon. Di naman ganon kalaki ang school na ito pero bakit ganon?

"ugh! Shit!" rinig ko na lamang mula sa kinatatayuan ko aya agad akong pumunta sa kinaroroonan ng boses at doon ko na lamang natuptop ang bibig ko ng makita ko si leo na nakahiga sa sahig at puro dugo ang mukha at halata sa mukha nito ang sakit na nararamdaman dahil nakangisi pa ito.

Agad akong tumakbo at umupo sa tabi niya kung saan siya nakahiga at pinipilit makatayo.

"ayos ka lang ba?" tanong ko pa rito ngunit imbes na sumagot ay malakas pa itong tumawa ngunit agad ding natigil ng makaramdam ng kirot.

Sobrang bugbog ng mukha at katawan niya at para na siyang lantang gulay. Napalunok na lamang ako at agad kinuha ang phone ko sa bulsa ko para sana makatawag ng ambulance dahil mukhang di maganda ang lagay ni leo ayun sa nakikita ko.

"wag!" nahihirapan man ay agad na kong napigilan ni leo na makatawag ng tulong "wag!" pag uulit niya pa ng tinitigan ko lamang siya.

"masama ang lagay mo kailangan kang mapatignan, kung yung bill ang inaalala mo ako na bahala don" pageexplain ko pa sa kanya ngunit muli na naman siyang natawa na parang di makapaniwala.

"di naman dahil sa bill may pera ako miss " mayabang niya pang sabi na ikinataas ng kilay ko.

"eh bakit ayaw mo magpahatid sa hospital? Gusto mo na ba mamatay?" naiinis kong tanong pa sa kanya napahingang malalim naman siya bago muling nagsalita.

"ayoko na muling bumalik doon, trauma na ko" malungkot na sabi nito sakin.

"kung ganon anong gagawin natin? " tatayo na sana ako para sana humingi ng tulong sa clinic o sa kahit sinong nasa school ng muli na naman niya kong pigilang gawin yun.

"ano na naman ba?" naiinis ko na talagang tanong ang tigas kasi ng ulo niya.

"wag! Pakiusap di pwedeng malaman ni martin ito, ikukulong na naman niya ko doon sa hospital" paliwanag niya pa na ikinakunot ng noo ko.

"sinong martin? At saka tama lang naman na ilagay ka talaga sa hospital, masama ang tama mo" sabi ko pa sa kanya ngunit desidido ang mata niya at talagang parang nakikiusap ito sa akin.

"hindi ako baliw para ilagay doon" matigas ang pagkakasabi niya niyan kaya medyo nagulat pa ko.

"wala namang nagsabi na baliw ka ano ka ba? Baliw lang ba nasa hospital? Baka mental hospital ang iniisip mo" biro ko pa rito ngunit umiwas lamang siya ng tingin bago muling sumagot.

"may first aid ka ba sainyo?" nakunot ang noo ko sa itinanong niya sakin, ano bang gusto niyang isipin ko? Na sa bahay ko siya paputahin? No no no di pwede.

"yes meron pero—" di ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko.

"gamutin mo ko don" sabi niya pa na ikinalaki ng mata ko at bahagyang naitulak ko pa sya sa gulat.

"aray naman dahan dahan naman oh" sabi niya pa at medyo nailing iling pa ang ulo hanggang sa muling my lumabas na namang dugo mula sa ulo niya kaya dali dali kong kinuha ang bimpo ko at pinunasan iyon.

Gulat ang mukha pa ni leo ng ginawa ko yun. "pakiusap kahit ngayon lang tulungan mo ko" sabi niya pa kaya ano pa nga ba ang nagawa ko? Edi pumayag na lamang sa pakiusap niya saakin

Nakaangkla pa siya sa balikat ko habang naglalakad kami palabas ng school, papuntang sakayan ng taxi. ang security guard naman ay wala lamang paki sa paglabas naming dalawa nitong si leo.

Agad kaming nakapagpara ng taxi kaya mabilis lang din kaming nakarating sa apartment na nirentahan ko malapit di to sa school nahirapan pa kong ibaba si leo dahil sa nakaidlip ito kahit sandale lang naman ang byahe siguro sa sama na ng pakiramdam niya din.

Nong nakababa na kami ay ganon pa din nakaalalay pa din ako sa kanya dahil mahina pa talaga ang katawan kaya naisip ko na lamang na masama atang desisyon ang nagawa ko dahil baka mas lalong mapasama ang kalagayan ng taong ito.

Papasok pa lang ako ng apartment ng tinutuluyan ko ng marinig ko na pinagbubulungan ako ng mga chismosang kapitbahay kesyo may lalaki daw inuwi kababaeng tao at kadalagang tao. Tsk sarap pagbubuhusan ng asin ang mga mata at bibig nitong mga chismosa nato. Hinayaan ko na lamang sila at agad ng pumasok ng kwarto ko at ibinababa ko pa si leo sa sofa na nandoon.

Ramdam ko na nasasaktan siya pero di na lamang siya nagsasalita pa kaya agad na kong nagsabi sa kanya na pede muna siya makapagpahinga muna roon.

"salamat miss pasensiya na sa istorbo pero kailangan ko talaga ng tulong mo" paliwanag niya pa tumango lamang ako sa kanya bago ako tumalikod na para kunin ang first aid sa cr. Siguro wala lang magaasikaso sa kanya sa kanila kaya humingi siya ng pabor na dito na lang samin ang diretsyo and alam ko naman na wala siyang lakas kaya wala siyang pwedeng masamang magawa sakin kung saka sakali.

Nong nasa cr na ko natigilan na lamang ako ng maramdaman ko na di siya sumasagot sa tanong ko "hey leo kaya mo bang gamutin sarili mo?" paguulit ko pa ng tanong ko ngunit muli siyang di sumagot kaya lumabas na lamang ako ng cr paraharapin siya bat nagulat na lamang ako sa hitsura niya, sobra siyang namumutla habang hawak ang picture frame ng twin sister ko at ako .

Mas maputla siya ngayon kaysa sa kung paano ko siya nakita kanina.

"anong ginagawa mo?" seryosong tanong ko ng papalapit ako sa kanya at agad inagaw ang picture frame ng kambal ko.

"kung ganon kapatid mo siya?" kuryosong tanong niya pa sakin na ikinaliit ng mata ko bago ako sumagot.

"yes, she is my twin sister bakit?" napataas pa ang kilay ko ng sabihin ko yan sa kanya "may dapat ba kong malaman?" dagdag tanong ko pa sa kanya na ikinatigil niya bigla.

Bakit nga ba flat ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon