TPD: Chapter 41

1.3K 64 16
                                    

Hello! Hello sa mga nagbabasa nito. Happy weekend!

Enjoy Reading!

Patrick POV.
"Patrick, nandito na si Mikko." Tawag sa akin ni inday.

"Finally! Nandito na din ang Star witness natin. Naku 48yrs ang paghihintay ha!" Salubong ko sa magaling kong bespren na late.

Ang usapan namin kahapon pagkatapos ng dismissal ay magkikita kami dito sa bahay ala una. Pero dumating si insan, 2:50pm tapos si bespren mikko 3:30! Tapos si Nyle, hanggang ngayon on the way pa rin?!

Pucha! Traffic na traffic ba sa labas at ang lalate ng mga lalaking tu! Di talaga mapagkakaila ang Lahing pinoy eh no!

Nang pumasok si Mikko sa entertainment room agad siya naupo sa isang bean bag namin at tinakpan ang mga mata niya gamit ang braso.

"Pagod tsong?" Sabi ko

May edudugtong pa sana ako pero nalapitan na ako ni insan. Tsaka hinawakan ang balikat ko at napailing.

"Intindihin mo si Mikko, mukhang sariwa pa sa alaala niya ang nangyari. Ikaw talaga!" Sabi niya sa akin na parang pabulong.

Ay oo nga pala. Siguro gulat pa rin si Mikko sa nangyari. Ikaw ba naman makakita ng isang pangyayari na ganun. Panigurado di ka rin agad makakamove on.

"Mikko, ok ka lang? Gusto mo bang umuwi na lang, para magpahinga." Sabi ni matrix

"No, I am ok. Medyo nag aalala lang ako kay Arthur. Haays, sana lang nilapitan ko na lang siya. Baka naligtas ko siya."

"Bespren, tigilan mo na nga yan, wag mo masyado sisihin sarili mo. Malay mo ba mangyayari yun. Tsaka di pa naman patay si Arthur, comatose nga lang pero sabi naman ng doctor eh baka after a week pwede na siya magising. And pwede niya masabi sa atin kung ano ang katotohanan." Sabi ko tsaka inakbayan si mikko

"Alam ko. Pero narinig niyo din naman ang sinabi ni Nyle kahapon dba?. Ang aksidente na iyon ay hindi basta basta. Hindi lang siya basta normal na aksidente dahil mukhang may halong kababalaghan."

Nang sinabi ni Mikko yun agad ko naalala ang sinabi ni Nyle sa amin. Inutusan niya kasi si Mikko na maglagay na parang bug kay Sir Sev upang marinig namin ang paguusap nila.

Ayaw kasi magsalita ni Sir Sev sa amin. Nung nangyari ang aksidente kasama ako nun ni Insan. Uuwi na sana kami ng matanggap namin ang tawag ni mikko. Agad namin siya pinuntahan at di nagtagal dumating din yung ambulansya tsaka nagulat din kami na kasabay din nun dumating si sir sev.

Nagulat kami ng makita namin si sir sev, lalo na at nakita namin ang ekspresyon niya na mukhang seryoso. Hindi kami sanay dun tapos tinanong namin kung ano ginagawa niya, kasi dapat nakauwi na siya. Kanina pa nagdismisal sa school eh.

Pero di niya kami sinagot. Sinabi niya lang na umuwi na kami. At bukas baka may etatanong siya kay mikko tungkol sa aksidente.

Kaya naman sinabi namin iyon ni Nyle tapos may ibinigay siya na parang chip na kung saan pwede mo marinig ang sinasabi ng tao kahit 50meters ang layo, basta nakadikit eto sa kanya.

Naging success naman iyon dahil sinabi sa amin ni Nyle, na naguusap daw sina Sir Sev at miss clau tungkol dun. At may nabanggit sila na babae na possible daw ang may sala sa nangyari. Babae daw iyon na nakulong na nila dun sa past cases nila bilang paranormal detectives.

Hindi nila sinabi kung sino ang babae kaya naman sabi ni nyle susubukan niya esearch iyon kay D-trix. At magkikita kami ngayon para pagusapan ang gagawin.

But speaking of Nyle, san na ba ang lalaki na iyon?

"Kanina bago ako pumunta dito, dumaan ako sa hospital. Para bisitahin si Arthur. Nakita ko ang mama niya, na siya nagbabantay sa kanya. Sabi niya mukhang nagiging ok na ang kalagayan ni arthur. Pero di pa rin eto nagigising." Sabi ni mikko sa amin.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon