TPD: Chapter 55 pt.1

1.3K 63 25
                                    

And I am back! Sorry if naghiatus saglit.. pero wag mag alala tuloy tuloy na ang update nito.. Chapter 55 is divided into three parts kasi ang haba niya heheh kaya naman it will be 2 more chapters before the season finale ng story na eto.. so kapit lang tayo mga besh ^^

Enjoy reading!

Kye POV..
Excited ako!

Nandito na kami sa loob ng Joy land at papunta na sa Hall of Mirrors. Heheh matagal na din simula nakaranas ako ng aksyon.

Kaya naman hindi mapagkakaila ang pagkasabik ko. Pero at the same time may kaba din.

Sino ba naman ang hindi kakabahan kung haharapin mo ang isang espiritu na nangunguha ng kaluluwa. Ngunit kung iisipin mo lang ang pagtitiwala sa Maykapal, panigurado malalampasan namin eto lahat.

Trust in Him lang tayo mga kaibigan!

"Parekoy! "

"Ouh bakit?" Tanong ko kay mikko habang papunta na kami sa Hall of mirrors

"Ang bilis mo maglakad. Dahan dahan naman."

"Mikko, alam mo naman na kinakailangan maunahan natin sina Jaehyun dun at Janice. Kasi titingnan natin ang lugar para makapag plano. Kaya malamang bibilisan ko."

"Haay ano pa nga ba ineexpect ko sayo. Halatang hindi ka kinakabahan sa mangyayari."

"Anong hindi, kinakabahan ako. Pero alam ko naman nandyan lang si Lord para sa atin." Sabi ko kay mikko "Isipin mo, kung totoo ang mga paranormal eh di mas lalong totoo ang maykapal. Kaya dapat wag tayo matakot. Think positive."

Nakita ko na napangiti si mikko sa akin sinabi at hindi ko ineexpect na bigla niya pipisilin ilong ko.

"Naks! Nagwowords of wisdom ang parekoy ko."

"Hoy! Ano ba! Bitawan mo ilong ko. Kainis tu!" Tsaka tinanggal ang kamay niya sa akin ilong

"Heheh dahil sa sinabi mo parekoy, bigla nawala takot ko. Halika na harapin na natin si mistress." Sabi ni mikko tsaka inakbayan ako

"Ang bigat ng kamay mo mikko! Ano ba, bitawan mo nga ako."

"Hayaan mo muna kamay ko kye. Habang hindi pa tayo nakarating sa Hall of mirrors, aakbay muna ako sayo. Dahil alam ko kapag nandyan ka sa tabi ko lalakas ang loob ko." Ani nito

At hindi ko na siya kinulit na tanggalin kamay niya.

Haay naku mikko, kahit kailan talaga...di ka pa rin nagbabago.

Akala ko since naghighschool na tayo eh matapang ka na, pero hindi..ikaw pa rin si Mikkoy ang aking kababata na madali pangunahan ng kaba.

At di ko aakalain na hanggang ngayon sa akin ka pa rin kumukuha ng lakas ng loob.

"Eto na ba to?" Tanong ni mikko ng makarating kami sa isang building na kung saan may nakapangalan na 'Hall of Mirrors'

"Oo, ata. Pasok na ba tayo?" Sabi ko

"Teka tawagan muna natin sina Matrix at tanungin kung nasaan na sina Jaehyun at Janice. " sabi ni mikko tsaka tinanggal ang pagka akbay at pinindot ang ibinigay na high tech na relo ni Sir Sev.

Nasa tago kaming lugar na malapit sa Hall of mirrors para sa kasalukuyan na pagtawag.

At nang sagutin ni matrix ang tawag, nagulat na lang kami na bigla may lumabas na parang holographic na screen dun, at ipinakita ang mukha ni matrix.

Ang astig! Di ko ineexpect na magaganito ang relo na eto.

Mukhang di din ineexpect nila matrix dahil gulat na gulat din ang ekspresyon niya.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon