TPD: Chapter Fifty-two

1.3K 65 8
                                    

Sorry if late ang update. May pinuntahan lang eh. Heheh ❤ if friends tayo sa facebook malalaman niyo kung ano yun ^^

Enjoy reading!

Patrick POV..
Nandito pa rin kami sa lugar na may lalaki walang malay at hindi nagigising. Napagdesisyunan kasi namin na manatili muna dito upang suriin ang paligid.

Nagbabakasakali kami na baka nandito pa si Mistress.

"You think its best if we spread out? Para madali natin malamn kung nandito nga ba si Mistress." Sabi ni nyle sa amin

"Magandang ideya nga yan. Mag pares pares tayo para libutin ang paligid. Kaya naman...Gabriella halika." Sabay higit ni insan sa braso ni Gabby

"Ha? B-bakit tayo magkapares?! Ayoko nga, si Kye gusto ko or Haylee." Agad naman kinalas ni Gabby ang pagkahawak ni Matrix sa kanya.

At dahil sa ginawa ni Gabby nalungkot ang mokong. Pfft! Hahaha baliw talaga ang insan kong eto.

"I thinks its not safe kung dalawang babae ang magsama. Dapat babae at lalaki. " ani ulit ni insan

"Eh di kung ganun, Si Nyle, mikko, patrick or Sir Sev."

"At bakit hindi ako Gabriella? Mas maganda ako kasama."

"Nah! Ayoko magpares sa may pagkatanga ." Sabi ni Gab saka ngumiti ng nakakaasar kay Matrix.

Mukhang mag tatalo na naman ata ang dalawang tu ah. Naku! Matatagalan kami nito kapag magsimula na sila magbangayan..

Magsasalita na sana si Matrix ng biglang sumingit si Sir Sev... na ikinaginhawa ko.. whew! Buti na lang naunahan..

"Wag na nga kayong magtalo dalawa. Hindi na lang tayo magpapares pares ganito na lang Gabby,Patrick at Nyle isang grupo kayo, habang Matrix,Mikko at Haylee. Tapos kami ni Kye."

"Bakit kayong dalawa ni parekoy sir sev?"

"Wag na ngang magtanong mikko. Basta libutin na natin ang palibot para-"

"Severino, ikaw ba yan? " biglang may boses ang sumingit sa pagsasalita ni Sir Sev. At laking gulat namin ang nagmamay ari nun..

Isang medyo matanda na lalaki, na nakita namin kanina kasama ang mga police dun sa crime scene

"Its been so long since I last saw you..heheh hindi na tayo nagkikita, pagkatapos nung huli niyong kaso kasama ng grupo mo."

"Tarek, kamusta? Di ko aakalain na magkikita din tayo dito heheh Oo nga at matagal tagal na din ang huli natin pagkikita. Siya nga pala kasama ko ang mga beloved students ko, kakain sana kami eh. My beloved students, kaibigan ko si Detective Tarek. Or should I say Detective chief inspector Tarek."

"Hahaha wag mo na akong tawagin na ganun, alam mo naman simula nun mas sanay ako na tawagin mo ako na Tarek, dahil ilang taon lang naman agwat natin. " tumawa eto.

Hmm.. ilan taon na kaya ang kaibigan ni sir sev? Kasi kung titingnan parang magkaedad na sila ni Daddy.

"Atsaka nakakapanibago isipin Severino na may mga estudyante ka na. Eh noon ang mga alam mo lang ay mga kabaliwan eh. Hahah naku, matanong nga mga estudyante mo kung ano ang kanilang natutunan nila sayo."

"Mga kabaliwan rin po at iba pa." Sagot naman ni kye

At dahil dun tumawa ang kaibigan ni sir sev. Habang si sir sev nag reklamo.

"Hahaha paano ba yan Severino? Nagsalita na ang mga estudyante mo hahah "

"Wag kang maniwala sa kanila Tarek, alam mo naman mga kabataan ngayon kung ano ano sinasabi sa mga matatanda. Hmph! "Sabi ni sir sev tsaka umirap "Atsaka Tarek naman, wag mo ako masyado tawagin severino! Pambihira sabi ng Sev ang etawag mo sa akin eh. Para ka din si Clau."

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon