Mahaba haba ang update ngayon..but baka bukas hindi ako maka update. Miane! Bawi ako next week. Sana di kayo mag sawa suportahan ang story na eto.. 3 to 4 chaps maybe at season finale na ng story na eto hehehe.
Enjoy reading!
Gabby POV..
Ouh, ano na naman nangyayari? Bakit punong puno ang floor namin ng mga estudyante?May event ba nagaganap? Artista? Ouh-dont tell me may aksidente na naman? Shemay! Ang aga pa ha!
Nang napagtanto ko iyon agad ako naglakad ng mabilis sa kung saan nandun ang mga estudyante na nagkumpulan.
Pero bago ko pa marating ang lugar na iyon, may tumawag na sa akin.
"Gabby!"
"Ouh Kye, Mikko! Nandyan pala kayo. Alam niyo ba ang nangyayari? Bakit madaming tao? May aksidente na naman ba naganap?" Tumingin ako sa dalawa at nakita ko ang kanilang ekspresyon.
Fudge! Tama ang hinala ko! May aksidente. Sino??
At bago ko pa iyon natanong mukha nabasa ni Mikko ang aking naiisip.
"Si Eddie, natagpuan kaninang umaga na walang malay sa Girls Cr."
"Ano?! P-paano nangyari nandun siya sa Girls Cr? Naninilip ba siya? May katagpuan? Paano?" Sabi ko na nagtataka.
"Wala din nakakaalam kung ano ang nangyari. Maski si Patrick at Rhea nagulat na lang ng makita siya dun kaya-"
"Teka Patrick? Sinong patrick? Yung kilala natin na patrick?"
"Oo, Gab. Maaga kasi dumating si Patrick kanina kasabayan niya sina Rio. Rhea at Eddie. At ayon nga kay Rio, bigla daw nag paalam si Eddie na mauuna sa klasroom. Pero wala naman daw dun kaya tinanong niya si Patrick. Tapos si Patrick daw lumabas at pupunta sana sa vending machine, pero nakita niya si Rhea tapos nagusap at nagpaalam na mag CR. At dun nakita ni Rhea si eddie at tyming na di pa din nakalayo si patrick narinig niya sigaw ni Rhea." Paliwanag ni mikko sa akin.
Napatakip na lang ako sa aking bibig dahil nagugulat ako sa nangyayari. Ang aga aga may ganito na naman na pangyayari.
Nakakaloka!
"Nasaan na si Patrick ngayon? Baka may iba pa siyang alam or napansin. Kailangan natin siya kausapin." Sabi ko
"Kasalukuyan pinapatawag sila kay Miss Clau na office. Nandito din kasi ang mga police para sa imbestigasyon. Kaya naman baka mamaya pa ang balik nun." Sabi ni kye
Napatango na lang ako sa kanilang sinabi. Naku, sana maka balik agad si Patrick para- Teka totoo ba to nakikita ko? Nakabalik na siya?
Napatingin kasi ako sa aking kanan at laking gulat ko sa aking nakita..
"Si Janice ba yun? Nakabalik na siya?" Tanong ko kina Mikko at Kye
"Ah Oo, kanina lang siya nakabalik. Nagulat nga din ako sa pagpasok kanina eh." Sagot ni Kye sa akin
"Ohh mabuti naman at mabilis lang ang recovery niya. Pero ok na ba talaga siya? Dba mukhang grabe yung nangyari aksidente sa kanila?"
"Sabi niya Ok naman daw siya, kasi di siya masyado napuruhan dahil naka seatbelt siya."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Kye at di din nagtagal inaya ko na lang sila pumasok.
At sa pagpasok namin usap usapan pa rin yung aksidente. Pero di din nagtagal naputol iyon dahil nag ring na ang bell ibig sabihin magsisimula na ang klase.
Isa isa pumasok ang mga kaklase ko at nakita ko si Janice ay pumasok din. At nang dumapo ang mga mata niya sa akin binigyan niya ako ng matamis na ngiti. At ibinalik ko din naman iyon..
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}
ParanormalTeenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday lives. Date started: January 12 2018 Date ended: February 22, 2020 Book Cover by Richanzai