4

2.2K 57 1
                                    

"Goodafternoon, Madam! Kamusta ang araw natin?"

"Kamusta? Tinatanong mo ako kung kamusta? KAMUSTA AKO?" sabi ng aking Manager na kung kaya niya lang lumabas mula sa screen ay nagawa niya na.

"Mada-"

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo?"

Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa screen. Kagigising ko lang ngayong magaalauna ng tanghali. Pagkatapos ko magpassout kagabe ay nagising ako sa kama nila Dutchi, saaking natatandaan.

Sinundo ako ng madaling araw ng aking Assistant at ilang bodyguards sa unit. Wala na rin akong nakitang reporters paglabas kahit hilo at antok noong pauwe pa. Ni hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa bagong kaybigan. Eto rin ata ang tumawag kala madam noong tulog na siguro ako.

"Tinawagan ako ng manager ni Eduardo! Kitang-kita sa CCTV na ikaw ang galing sa unit bago magactivate ang fire alarm at pumasok ka sa isa pang unit! Ano bang pumasok sayo at ginawa mo yun sakanila?!"sabay hampas nito sa noo.

Nakikita kong nasa opisina ito dahil sa background tinawagan ako nito nang nagtext ako pagkagising ko. Pinagbawalan nila akong lumabas dahil sa issue at wala rin naman ako plano dahil pahinga ko ang mga susunod na araw. My remaining restdays was planned to spend with my boyfriend but here I am.. magisa.

"Madam, ako ang girlfriend! Tapos makikita kong may ibang babae sa kama-"

"Hindi alam ng lahat na kayo!"

Napakagat ako ng labi sa sama ng loob. Ako yung unang nagaggrabyado rito. Ako yung pinagtaksilan, eh.

"Nagpaschedule ako ng meeting para makausap sila dahil sinasabi ko sayo tapos ang career mo kapag nilabas nila ang video at magsampa ng kaso-"

"Anong isasampa nila saakin? Na pinasok ko sila? Pinagnakawan? May access card ako ng unit at binigay mismo ng boyfriend ko, Madam. Hindi lang ako masisira rito kapag inaamin ko na kami ni-"

"Aaminin? Eh inamin na nilang may relasyon sila! At ikaw may ibang lalake kang kasama!"

"Sandali! Anong lalake? Yung tumulong kagabi? Hindi ko naman yun kilala-"

"Putragis! Hindi mo yun kilala?! Kaninong unit yung pinagstay-an mo?!"

"Kala Duchess.."

"Duchess, ano?!"

"Ano.."napahilamos ako ng muka dahil sa 'di matandaan ang apelyido ng kasama o kung sinabi niya ba yun saakin.

"Hindi mo sila kilala?!" umiling ako kay Madam bilang sagot.

Isang transgender ang aking manager. Kung hindi lang sa pagsasalita o sa boses ay mapagkakamalan talagang babae ito dahil sa ganda ng muka. Wala na itong pamilya maliban sa mga batang inampon at ako na isa sa mga hawak niyang model at artista.

Nakita kong may inabot ito sa likuran at isang maliit na unan. Naawa ako rito nang inilagay nito sa muka iyon at impit na tumili. Talagang stress ito saakin.

"Madam Inna.."

"My god, Mayumi! Hindi mo kilala pero kung makakapit ka sa tao para kang batang unggoy sa kanyang ina!"

"Ha?" naguguluhan kong tanong. Itinayo niya ako ang pagkakaalala ko. Itinayo lamang ako noong lalake dahil naalala kong umangat ako sa pagkakaupo ko noon.

"Pasalamat ka at wala ka rito dahil kakalbohin talaga kita!" gigil na sabi nito kaya napalunok ako.

"Madam, mababawasan yung ganda mo. Kumalma ko po." paglalambing ko.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan, Ineng! Kailangan natin mahanap yung lalake dahil kapag iyon ginamit ang mga nagkalat niyong picture 'di ko na alam! Kailangan natin yun makausap at mapatahimik! Tumulong ka dahil ikaw nagsimula nito! Dimongkal kang bata ka!"

Ruthless and Greed (TSS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon