28

1.5K 41 1
                                    

"Hey.."

Dumilat ako nang may marinig at naramdamang mabigat sa balikat ko.

Nakita ko ang isang pilipinong modelo na ilang beses ko nang nakasama sa fashion shows dito sa bansa.

Tinignan ko ito at tinaasan ng isang kilay nang hindi binabaling ang muka dahil nilalagyan ako ng make up.

"Are you going to the after party." aniya at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Definitely will, Byron. Razziel Arthrun is one of my manager's long time friend." tukoy ang isa sa mga designer ng fashion show. Ika na aking manager ay halos isang dekada na nang huli silang magkasama.

"Good to hear! I'll see you there." saka na ako tinalikuran.

"Halatang type na type ka, miss." bulong ni Penny habang pinapanuod ako lagyan ng make up.

"Kita mo yung gigil sakanya?" sabi naman ng make up artist ko.

"Oo, eh. Kung pwede lang 'di bitawan hindi talaga bibitawan eh!" sabi ni Penny at pareha sila nagtawanan.

"Shhh.. May makarinig sainyo."

"Wala namang makakaintindi saatin dito, Miss. Pero infairness gwapo, ah." sabi ni Lanie, ang make up artist.

"Half kasi, eh. Pero 'di yun type ni Miss ang gusto niyan puro."

Napadilat ako ng mga mata at sinamaan ang nakangising si Penny.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang fashion show na halos dalawang oras din ang tinagal bago matapos.

"Anong oras tayo uuwe?" bulong ko sa nagtatalon na si Penny, sumasabay sa tugtog na umaalingawngaw sa buong bar.

"Wala pa tayong isang oras dito nagaaya ka agad!" malakas na sabi niya at humiyaw ulit.

Umiling na lang ako rito at bumalik sa pwesto namin kanina. Nangangawit na ang binti sa suot na heels.

Gusto ko nang umuwe at sa condo na lang tumambay. I'm not in the mood to socialize right now.

Sumandal ako sa pagkakaupo sa sofa habang pinapanuod ang nagsasayawan 'di kalayuan saakin.

May humintong waiter at nagalok ng alak na siya namang tinanggap ko at mabilis na uminom. Parang gusto kong uminom nang tahimik.

"Hey, pretty."

Madinig palang ang boses nang lumapit at tumayo sa gilid ko ay parang gusto kong magparinig ng buntong hininga.

"Oh, Byron. Hey.." sabi ko at ngumiti. Salungat sa plano kanina lamang.

"Let's dance, Yumi." saka ako inabutan ng baso na may lamang alak.

"I'm not in the mood." saka inilingan ito at binigyan ng ngiti.

"Do you want me to stay with you?" saka pinilit saakin ang hawak na baso kaya walang nagawa kundi tanggapin.

"No and thank you for the drink." wala nang ngiting sabi ko. Itinuon ang paningin sa harapan.

Natigil ang pagikot ng mga mata ko nang makita ang tatlong pares ng mga mata.

Isa na mukang bored at inaantok na walang iba kundi mga mata ni Abraham. Ang halos sumingkit dala nang pagkakangiti saakin ni Nico at ang mga matang mukang iritado na pagmamayari ni Indigo. Sila nanaman.

"Are you bored? Want to go somewhere? Atleast have a drink with me." sabi ni Byron kaya napalingon ako rito na nakangiti saakin at sumulyap sa basong hawak ko.

Tinignan ko rin ang kulay kalawang na laman ay pinaikot sa loob ng baso.

"No and thank you again, Byron."

Ruthless and Greed (TSS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon