"Mabuti naman at napapayag mo si kuya, 'te?" sabi ni Dutchi habang nilalamas mabuti ang karne na nakamarinate.
"Actually, hindi ko rin alam kung pumayag na ba o ano. Sabi rin kasi ng manager ko ay hayaan na lang ang issue at mawawala rin. Okay naman ang kuya mo medyo moody lang kumpara sa babae pero okay naman siya."
Pinaguusapan namin ang issue kokompirmahin ba sa publiko ang tungkol saamin ni Duke.
"Honestly, I'm very intrigued because kuya doesn't want spotlight and drama. He rather stay and chill or work here than go out and mingle. Sa pilitan pa yan kapag pinuntahan nila kuya Nico."
"Dutchi, hindi naman din magtatagal at mawawala rin ang tungkol saamin. Hindi lang naman ako ang unang artista na nagkoboyfriend. I won't let the public to dig more in my private life.. Pipilitin.." tumabingi ang ngiti ko sa labi dahil sa naisip. Sa tindi ng paparazzi sa bansa hindi kaya nila kayang halukayin ang lahat ng nangyayare saakin.
Lumabas kami sa kusina at inilabas ang ilang ihahawin. Tatambay daw kaming lahat sa may pool ng bahay ni Duke. Barbeque party kahit ayaw ng mismong mayari.
Dutchess is right. Duke doesn't want to meet or talk informally with people to the point they live here without maids or cook.
This village is Duke or the sinner's haven. Malayo sa mga taong mahilig manghimasok at gusto ng tahimik na lugar para magpahinga. Medyo malayo lang sa opisina kaya may condo unit kung saan kaming tatlo unang nagkita.
"Ate, what if.. kapag ba.."
"What?" tanong ko pinapabaga ang uling para makapagluto habang nasa likuran ko at nagaayos ng ilang towel sa sun lounger si Dutchess mung sakaling may maliligo sa pool.
"Kapag ba natapos na ang apat na buwan niyo ni kuya.. maghihiwalay kayo for real?"
Pinaypayan ko muna ang nagbabaga ng uling saka nilingon ang dalaga.
"Dutchi, I think in a very short time I spent with your brother I can say he's a good man and friend too. You don't know how many times he saved my ass from a facepalming situation." sinamapahan ko pa ng hagikgik dahil naalala ang nakakahiyang pangyayare.
"The fake relationship will be but I think the friendship won't.."
"But will you still spend time with him or visit here?" nagaalalang tanong ni Dutchi na siyang natigilan din ako.
"Baka hindi na, Dutchess. Your brother is a busy man and I am too. We don't know.."
"Pero kasi ate-"
"Hep! Hep!" turo sakanya para matigil na sa pagsasalita pero ang loka ay nagtaas ng kamay at sumagot ng 'Hooray?'
"Don't.. I feel like you're rooting for me and your brother, Dutchi." natatawang sabi ko habang naglalapag ng karne at nagsimula na magihaw.
"Because I am, ate! Bagay kayo sobra tapos ikaw lang nagpapastress sakanya kumpara sa mga kaybigan at trabaho niya. Oh, diba?"
Malakas na ang naging tawa ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko mawari kung ikakikilig ko ba yun o isang insulto.
"Sinabi ng kuya mo 'yon?"
"Oo!"
"Siraulo talaga 'yon."
"Pero ate.. Why don't you both try? May chemistry naman? Single ka naman-"
"At galing lang sa break up. That's not healthy, Dutchess."
"Kung nasaktan ka dahil sa pagmamahal, hayaan rin na ang pagmamahal ang gumamot nito." pangeenganyo ng tono ng dalaga.
"Yes, selflove." sagot habang nagpapaypay at tinignan ang relos. Magaalasingko na at halos magdadalawang oras na ang meeting nila.
BINABASA MO ANG
Ruthless and Greed (TSS #1)
RomanceMayumi Orejo, a model and an actress with blooming career as antagonist of every teleseryes and blockbuster movies but with a broken relationship. Duke Tamayo, known as one of the ruthless, hot businessman of the present time but with a broken soul...