"Miss, okay ka lang ba?"
Ako? Okay ka lang? Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasagutin ko ng hindi ang assistant. Syempre, naapektuhan ako sa sinabi ni Gold.
Mas nauna niyang makilala si Duke kumpara saakin. Kumbaga sa gyera siya pauwi na samantalang ako pababa palang sa war zone.
"Penny, can I have a favor?"
Mabilis naman tumango ang assistant samantalang ang mga mata ko ay nasa bintana pinapanuod ang daang pabalik ng condo nila Duke.
"I don't know if its possible but I want to know everything about Duke. I want to get every article that related to him. Mga impormasyon tungkol sa kanya lalo na sa past niya. Kunin mo na rin yung reports kay Madam. Hindi ko din nabasa lahat noon." pormal kong sabi. To see is to believe. I want to see it, experienced it personally. I'll give the man my doubt.
"Yes, miss."
"Salamat."
"Doon pa rin po ba kayo mamalagi? May dala akong extrang damit. Hapon pa naman ang call time niyo bukas."
"Hindi ko alam pero dadalhin ko pa rin. Itext ko na lang kung magpapasundo ako. Ingat kayo Penny, kuya." bilin ko bago bumaba ng sasakyan.
My mind is not in peace even though I already infront of Duke's unit.
Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa kwarto ni Duke. Kumatok muna bago pumasok.
There's no one on bed but I saw the light is on inside of cr. He might be in there.
Kinain niya ang almusal na hinanda ko pero hindi naubos. Inayos ko na ito para mailagay sa kusina ng tumunog ang cellphone nito sa tabi.
Hindi ko na sana papansinin kung hindi ko lang nakita ang caller id. Si Gold.
I got the phone and stared a little bit before I swiped to answer the call.
Hindi ako nagsalita pati rin ang kabilang linya. But I heard her breathing before have the courage to talk.
"Duke, let's talk. Wag mo akong taguan. Itigil mo na yung pagiwas-"
"Mayumi.."
Mabilis akong napabaling sa nagsalita at naabutan kong naglalakad palapit saakin si Duke.
"Who called?" tanong nito pagkalapit.
Narinig kong naputol ang linya bago pa ako makasagot kaya binaba ko na mula saaking tenga.
Inabot ko rito ang cellphone.
"Sorry, I answered. It's your ex."
"What?" kakunot noong tanong nito.
Nang hindi nito tinanggap ay nilapag ko na lang sa kama saka inatupad ang pinagkainan nito.
Bitbit kong pinagkainan nito palabas ng kwarto habang binabaybay ang daan papuntang kusina.
"Who called?Anong sabi niya?" parang batang sunod nito saakin.
"Bakit 'di mo tignan? Call her, Duke. Ask for yourself." sabi ko habang hinarap na ang lababo.
"Are you mad? Who did you meet?"
"Si Eduardo." malamig kong sabi habang sinasabon ang plato.
"Why did you meet your ex? Why do you need to meet your ex?"
"And I met your ex there. The one who called, Gold Sarmiento."
Natigilan ito at hindi agad nakasagot.
"She's not my ex." maya-mayang sabi nito saka dumikit saakin.
Ang kaliwang kamay ay nakatukod sa lababo habang ang isa ay nasa bewang ko na bahagyang humahaplos.
"Why are you mad? Did your ex did something to you? What happened to your meeting?" mahinang sabi nito habang sinisilip ang reaksyon ko.
"Kung ano lang ginawa ko sa condo nila nang mahuli ko. I can pay whatever the damages they'll charge. Basta ba tantanan nila ako. I don't care anymore about them." saka tuloy lang sa pagsabon. Natambak ang hugasin mula kagabi.
"I can make them pay what they've done to you. Tell me. What do you want me to do?"
"Call back your ex."
Naramdaman kong humigpit ang hawak nito sa bewang ko na parang sinasabi na tumigil na ako at kalaunan ay lumawag naman pero 'di na alis ang hawak.
"I don't care about her but I care about you. Do you want me to-"
"No. Wala kang gagawin sakanila, Duke. Let the karma do their work. Honestly, I already forgave Eduardo for what he did even though he didn't ask for forgiveness. Why do I need to hold a grudge to them and grief to our so called relationship that might only destroy my happiness?" paliwanag ko.
I never talked about what happened to anyone. Siguro dahil okupado ng trabaho at naaliw sa binatang nasa tabi ko na ngayon ay nakayukyok sa balikat ko. Naramdaman kong nakahalik ito sa balikat ko ngunit 'di naman umiimik. Dala nang pagkatahimik nito ay nasabi ko lahat ng nasa loob ko. I think I just found a listener.
"Yes, I was hurt. I felt betrayed because we never made it to the public and just end it somehow. I maybe lost my three years settling to the thought about us when I should have meet other people. So rather sink to the idea of what ifs and could have beens.. Why not forgive and move on?"
Naramdaman ko na ang dalawang braso ni Duke ang nakayakap sa bewang ko mula sa gilid ko.
"I learned so I didn't lose. Just don't try to destroy my silence or I wouldn't hold myself.."
Natigilan ako ng bahagya ng maramdaman ko ang mainit nitong labi sa pisngi ko. Nandoon lang at hindi na inaalis.
"Ang daldal ko na lalo. Hindi ka kasi umiimik, eh! Nasanay akong sumasagot ka. Bumalik ka roon, Duke. Tawagin na lang kita kapag nakahanda na ako ng tanghalian."
"Yung kanina, galit ka pa rin ba? Believed me she's not my ex." Bulong nito sa pisngi ko.
"Don't worry I believed on you, Duke." I even trust you even though people asked me not to.
"I wish I can kiss your right now."
Natawa ako at pilit na nilingon 'to kaya inalis ang pagkakahalik sa pisngi ko.
"Saka na lang may sakit ka pa, eh."
Ngumiti ito at napailing."What should I do so you won't leave me?"
"Sweldohan mo ako ng isang milyon kada buwan."
Napatingin ito sa taas na may kung anong iniisip pero may ngiti pa rin sa labi.
"Tingin ko kaya kong magadvance para sa susunod na limang taon."
"Tapos ten thousand kada halik."
Lumaki ang ngisi nito."Baka kahit lingo nasa opisina ako!"
"Sabi ko naman kasi mahal ang fee ko." saka muling hinarap ang hugasin.
Naramdaman kong yumakap na ito mula sa likuran ko at siniksik ang muka sa leeg ko, dama ang init ng balat niya. Nangingiti akong itinagilid ang ulo para mas may malaking espasyo ang binata.
"Four months.." I heard him murmured.
BINABASA MO ANG
Ruthless and Greed (TSS #1)
RomanceMayumi Orejo, a model and an actress with blooming career as antagonist of every teleseryes and blockbuster movies but with a broken relationship. Duke Tamayo, known as one of the ruthless, hot businessman of the present time but with a broken soul...