23

1.4K 46 0
                                    

"Wala akong nakikitang pagpapanggap sainyong dalawa." sabi ni mama matapos ilapag ang gatas ko.

"Walang nagpapanggap, Ma."

"Gusto mo yung binata, Mayumi."

Napangiti ako saka inihipan ang gatas at sumubok humigop.

"Gusto mo nga?" matamang tanong ng ina.

"Hindi ko naman tinanggi, Ma."

"Hindi ba masyadong mabilis? Halos magtatatlong buwan palang kayo at tatlong buwan palang wala kayo ni Eduardo."

"Wala naman sa tagal at bilis yan, Ma." pangangatwiran ko. Alam ko naman yun pero hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman.

"Hindi ba ginagamit mo lang siya para pagtakpan yang sakit na nararamdaman mo?"

"Ma, me and Ed is cool now. Tinanggap ko na yun ng ganoon kabilis sa kung paano ko tinanggap ang nararamdaman ko kay Duke."

"Dati siyang katrabaho ng papa mo.."

"Alam ko po, Ma."

"Alam mo ba ang nakaraan niya?"

"Hindi pa lahat pero ngayon palang tanggap ko na, Ma." matapang kong sagot.

"Sigurado ka ba? Oh, baka nadadala ka lang ngayon. Hindi bagong pagibig ang gamot sa-"

"Ma.. Trust me. I know the consequences but I accept it." saka ngumiti ng maliit sa ina.

"Matalino ka, Yumi. Kahit may pagkaisip bata ka at mabibo alam kong may katwiran ka at kapag sinabi mo paninindigan mo. Ayaw ko lang may mamgyare sayong hindi maganda."

"Just trust me, ma. That's all I ask."

"He's one of the reason why you're father did early retirement.. Do you want me to continue?"

"Yes, Ma. But I think not now. I want to know his story first. His words.. I want to lend my ears. Am I biased? I'm sorry. I just want to listen to him first and not like others who already threw assumption about him."

Nangitin na lamang ang aking ina at tumango

"Ate, tawag ka na nila papa. Uuwe na ata si kuya Duke."

Natigil ang pagsubok kong humigop ng gatas dahil sa narinig sa kapatid ko.

"Agad? Pero-ang bilis naman!" nakanguso kong baling kay mama na kasama kong naggagatas. Eto ang pampaantok naming dalawa.

"Pasado alasdose na rin. Magdadrive pa yun."

"Sinolo naman kasi ni papa si Duke. Ayaw man lang ako pasamahin."

Matapos kasi naming kumain ng kaunti dahil busog naman kami parehas ni Duke ay pumunta sa labas ng bahay kung saan may maliit na lamesa at apatang silang dalawa ni papa.

Ang sabi ay lalake sa lalakeng usapan kaya dapat ay wala ako roon. Kaya narito ako sa kusina kasama si mama habang umiinom ng gatas at nagkwekwentuhan. Nagawa ko na din magpalit at maglinis ng katawan.

"Pagbigyan mo na alam mo namang ang mga ama masyadong protective. Natural lang yan." sabi ni mama habang parehas kami tumayo at naglakad papunta sa labas.

Naabutan naming nakatayo na sila at naguusap natigil lang nang dumating kami ni mama.

"Uuwe ka na raw?" salubong ko agad.

"Yeah, it's already twelve. Para makapagpahinga na kayo."

"Gusto mo dito ka na lang-"

"Mayumi.." putol ni papa na pinaningkitan pa ako ng mata habang lumapit kay mama habang ako ay naglakad at tumabi kay Duke.

"Mag midnight snack saka umuwe?"

Nakita kong nangiti ang binata ngunit nagpipigil lamang.

"It's okay. Busog pa naman ako. You should rest now at nang makabawi ka na sa pagod at puyat mo ng ilang araw."

"Bumisita ka na lang ulit, hijo." nakangiti sabi ni mama.

"Araw-Arawin mo, ah?" natatawa kong bulong pero talagang matalas ang pandinig ni papa kaya tumikhim habang masama na ang tingin saakin.

"Ihatid ko lang siya sa labas-"

"What? He can go-" hindi na natuloy ni papa ang litanya ng makita kong siniko ito sa taligiran ni mama.

"Sige na para 'di na siya gabihin pauwi sa kanila." sabi ni mama saka hinila na si papa papasok ng bahay.

"Hindi man lang kita nakakwentuhan nang matagal." sabi ko pagkalabas namin at nakatayo sa tapat ng sasakyan niya.

"We will end the day talking with each other. Right now."

Inabot nito ang isang kamay ko at pinaglaruan ang daliri gamit ang kamay na pinangabot.

"Do you have a work tom?" I asked.

"Yeah, how about you?"

"None."

"Any plans?"

"I plan to take them out of town the day after tomorrow. Magsisiyesta muna ko bukas."

"Good. Take care and enjoy your trip." sabi nito habang ang mga mata ay umiikot lang saakin. He look tired right now.

"Hug?" I whispered. He just smiled lightly and hugged me.

"I like it when you're asking hugs.."

Yeah, I know. I asked hugs not because I just want it but because I know you need it.

"I like you no matter what." I whispered gently and I felt him stopped caresing my back and looked at me.

I just smiled at him and kissed him fast on his lips. I don't care if I felt it fast as my kiss.

"Mas lalong pinahihirap mo ang pagalis."

"Edi wag kang umalis." natatawang sabi ko habang nakatitig sa labi niya. I want to kiss it again.

"Yun din naman talaga ang gusto ko. Pwede bang magbaon na lang ako ng halik?" sabi nito habang ang mga kamay na nasa magkabilang braso ko ay unti-unting umaakyat.

Yumakap ang mga braso ko sa bewang niya at pilit na inabot ang labi ni Duke na hindi naman ako nahirapan dahil hinayaan niyang abutin ko.

"Lulubusin ko na gusto ko ng maraming marami." sabi niya saka ako hinalikan sa kanang pisnge, sa labi at sa kaliwang pisngi nang paulit-ulit. Kinulong niya na ang muka ko sa mga kamay niya.

Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa ginagawa ni Duke. I think I won't get over to his very own way of lambing.

"Please, take care.. on your way.. home." I successfully said between his kisses.

He stopped and looked at me,"Please, always take care, Mayumi."

Ngiting-ngiti ako na tumango kay Duke."Sir, yes, sir!"

Binigyan pa ako ng halik ngunit hindi katulad nang ibinigay ko at ng mga una niyang halik. Ngayon ay mas malalim at parang mas nanabik na hindi ko naman sinayang na hindi sagutin.

"Goodnight, Duke! Bye! Text me when you get home." kaway ko habang papasok siya ng sasakyan.

"Goodnight and goodbye for now, Mayumi." sabi ni Duke habang pumasok ng sasakyan.

Then the next morning I didn't received any text from him.

Ruthless and Greed (TSS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon