38

1.6K 46 0
                                    

"You're suppose to stay in your room!"

"You're suppose to study right now. And lower your voice!" gigil na asik ko sa kapatid habang palabas ng kwarto niya.

Bitbit ang heels at nakatapak na binabaybay ang daan pababa. Alasdyis na ng gabi at eto'y nagbabayangan nanaman kami magkapatid habang sinusundan ako.

Luminga-linga pa ako habang bumababa ng hagdan.

"Ate, you were told to stay at home. Ba't ba ang tigas ng ulo mo?"

"I can't stay here forever, Mak. Lalo na kung hindi ko nga alam kung bakit nililimitahan ako at ultimo pagalis ko."

Sinuot ko na ang heels ko sa pinakamabilis na alam kong paraan dahil excited na makalabas ng bahay.

"At sino naman kasama mo? Saan ka ba pupunta? Anong oras ka naman uuwe?"

"To.."

"Two?"

"Tommorrow." natatawang sabi ko at nakarating na ng gate. Sinenyasan ko wag maingay ang guard na nagulat saaming magkapatid. Napakamot na lang ito at stress na napatingin sa likuran ko, kay Mak-mak.

"Hindi ko gagasgasan ang kotse mo. Don't worry, my brotha.." saka nakalabas na ng gate at pinatunog ang pulang sasakyan nito.

Dahil mahahalata ang kotse ko at malaki ang tiyansa na marinig nila mama ang pagbukas ng gate at paglabas ng sasakyan ko sa garahe ay kay Mak-mak muna ang gagamitin ko. Nasa labas pa kasi ito ng bahay at hindi pa naipapasok.

"I don't think this is really good idea, Ate." seryosong sabi na ng kapatid ko.

"This won't turn out good kung magsusumbong ka kala mama at papa."

Nakapamaywang na ito habang nakatingin saakin.

"I won't get myself drunk. I promise!", at kinindatan ito at pinaandar na paalis ang sasakyan.

Kanino ko pa natext si Tanya na kung pwedeng lumabas kami. Sabi ko'y susunduin ko siya mula sa kanyang bahay.

Nilakasan ko ang tugtog sa loob ng sasakyan at sumabay rito.

Hindi pa gaanong natayuan ng mga bahay ang lugar nila Tanya. Giit kasi ng dalaga ay mas gusto niya rito dahil maraming puno at hindi pa ganoong kakilala kaya ilan palang ang nagpapatayo.

Hindi niya ba alam kung gaano katakot ang dinadaanan ko dahil puro matataas at malalaking puno ang nakikita ko? Isama pa ang ilang bahay na binubuo palamang. Hindi ako matatakuting tao pero kung walang street lights rito at malahaunted na ang kalsada.

Itinigil sa tapat ng gate ang sasakyan at dalawang beses na nagbusina. Huwag niya sabihing malelate pa siya kanina pa kami nagusap!

Kinuha ko ang phone ko at muling tinext ang kaybigan. Malamang mukang hindi pa nga 'to tapos magasikaso. Inabot ko na lamang ang bag at chineck ang make up kung ayos na ba.

Nang ibinabalik ko ang gamit ko at napadalawang sulyap ako sa isang street light sa tabi ng isang malaking bahay. Ang katapat ng malaking bahay sa kanang nila Tanya, nakatayo roon ang isang lalake.

Hindi maalis ang tingin ko roon habang sinasarado ang bag at inilalagay sa shot gun seat.

Nakajacket at may suot na helmet na bahagyang nakasandal sa kanyang motor. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig mula ulo hangang paa. Alam kong hindi 'yun dulot ng aircon ng sasakyan o dahil sa suot kong fitted tube dress dahil ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang kilabot.

"What the.." sabi ko kasabay na mabilis na tibok ng puso ko. Parang alam kasi ng lalaki na tinititigan ko 'to dahil itinaas nito ang isang kamay at bahagyang kumaway saakin.

Ruthless and Greed (TSS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon