Chapter 3
------
Binuksan ko na ang pinto nang sasakyan bago pa kami magpang-abot ulit. Pagkabukas ko ay lumingon sila sa akin lahat."Hey Kayz. I save you a seat. Come here."
As expected from this man, alam na niya ang gagawin kahit pa wala ako. Lumapit ako sa kung saan siya nakaupo at umusog naman siya para makaupo ako malapit sa bintana. Pagkaupo ko ay automatic nang pumulupot ang braso niya sa balikat ko at ako naman ay humilig sa kanya at pumikit. We always do this kaya wala ng malisya sa amin ito.
"Okay ka lang? Natagalan ka ata?"
"Kinausap ako nang kaibigan mo."
"Who?"
"Who else?"
Pagkasabi ko nun ay bumukas ulit ang pinto, sinilip ko kung sino at tumambad si Jillian. Pumasok naman siya agad at sinarado ang pinto. Luminga siya sa paligid at naghahanap nang mauupuan pero wala nang ibang bakante kundi ang tabi ni Michael.
"Dito ka nalang A. Wala nang bakante eh."
Tumalima naman siya sa sinabi ni Michael at umupo na.
"So guys, anywhere to stop over? Baka may gustong bumili ng snacks jan?"
Nilingon kami ni tita at isa-isang tiningnan kung may magsasalita. Pumikit ako ulit. Shit. Sakit nang ulo ko. Wala akong masyadong tulog buong flight.
"I want Jabee." Bulong ko kay Michael at sumiksik sa tagiliran niya. Humigpit naman ang kapit niya sa balikat ko.
"Okay. We'll get Jabee then." Bulong niya pabalik. Tumango ako sa sinabi niya.
"Ma, drivethru nalang po sa Jabee."
"Gutom ka ba? Anong gusto mo?"
"Ah no. Its not for me. Kz wants to eat Jabee."
"Oh iha? Gutom ka?"
Ramdam kung tumingin sa akin si tita pero ayokong imulat ang mata at magsalita. I just want to sleep.
"Ay tulog? Maybe she's tired. Are you sure she wants to eat Mike?"
"Yep. Hundred and one percent. Wala kasi tong masyadong nakain buong byahe. Hindi rin naka tulog nang mabuti."
Pinaandar na ni tito ang sasakyan at naramdaman ko namang gumalaw na kami. Si tita lang at Kael ang nag-uusap. Natahimik na ang mga kaibigan niya. Medyo di ako komportable sa posisyon ko kaya gumalaw-galaw ako. Nakaramdam naman si Kael at pinatong ang bag niya sa kanyang mga binti.
"Here. Lie over here. I know it's not comfortable but it'll do the trick for the meantime."
"So that's why your bag is missing from the trunk."
"Alam ko kasing aantukin ka kaya di ko na pinasok dun para may mahigaan ka naman kahit papano."
"Hmm."
Di ko na nagawang sumagot pa nang mahaba kasi nga inaantok ako. Humiga nalang ako sa bag niya. Automatic na ang isang kamay ay nasa bewang ko at ang isang kamay niya naman ay hinahaplos ang buhok ko. Gawain niya yan kapag humihiga ako sa mga binti niya.
"Anyways anak, bakit naman di nakakain nang maayos si Kz sa byahe? Magaspang ba ang pagdala ng piloto?"
"Hindi naman po Ma. Kaso inalagaan pa ako nito buong byahe eh. Mula Chicago hanggang dito."
"Bakit? May sakit ka ba?"
"Wala naman po. Hindi lang sanay sa byaheng himpapawid. Kaya ayun, suka ng suka. Pinagpapawisan ng todo. Sa loob ng halos bente dos oras ay walang ginawa to kundi asikasuhin ako. Ni pagkain o pagtulog ay di na ginawa."
YOU ARE READING
One Night of Forever
RomanceAkezha Jane Sta.Ana is a well-known Architect and a model. May sariling business ito. Aside from having a firm, maraming branch na ang kanyang restaurants sa ibang bansa. Hindi naman ito naging mahirap dahil kasama nya ang kanyang bestfriend na si M...