7

37 1 0
                                    

      
      
Chapter 7
      
     
------
      
     
     
     
Blake's POV
   
     
"Tol. All-in massage daw sa room #43. Ikaw ang ni request ni madam." Sabi ni Elvin sabay tapik sa balikat ko.

"Tol naman. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa All-in massage na yan."

"Kaya nga. Eh ikaw yung gusto eh. Pano ba yan?"

"Susubukan kong kausapin. Teka." Sabi ko sabay naglakad patungo sa elevator.

King-inang to! Ilang ulit na akong na request ngayong gabi sa All-in massage na yan. Ganun na ba talaga ka kisig ang tingin nila sa akin at talagang ilang ulit akong nirerequest. Maraming beses na rin akong umaayaw. Kung hindi ko lang trabaho to baka nagresign na ako.

Habang naghihintay sa elevator na umabot hanggang 3rd floor ay napaisip ako sa nakalipas na buwan. Hindi ko akalaing mahahanap ko rin ang ugat nang mga illegal na men's prostitution na ito. Ilang buwan, taon rin ang ginugol ko sa pag-uundercover para lang sila ay mapatumba.

Bumukas na ang pinto ng elevator at agaran naman akong naglakad patungo sa room #43. Pagkakita ay kumatok na ako bago pumasok. Nakita ko si madam na nakadapa sa kanyang kama at hubad mula balikat pababa. Buti nalang at may tuwalyang nakatabon sa kanyang pang-upo. Napabuntong-hininga ako sa nakita. Di ko lubos maisip na may mga babae palang hayok rin sa laman. Fuck.

"Good evening madam." Simula ko.

"Buti at nandito ka na. Simulan mo na."

"Madam kasi, hindi po ako nag-aavail ng all-in."

"What?" Pasigaw na sagot na sabay upo at humarap sa gawi ko.

Shit. Agad akong napaiwas ng tingin. Oh diyos ko! Pinging holy water!

"What did you mean by not being available?"

"Madam, nagma-massage po ako pero hindi po ako available kapag all-in na. Kung gusto niyo po, may e-re-recommend po ako mula sa mga kasama ko na alam ko po ay mapapaginhawa kayo." Napalingon ako sa kanya sabay bawi ulit. Hindi ba siya nahihiya sa kanyang kahubdan?

"What the fuck is this service? Napakawalang silbi. Ratatat boom blam boogsh brakatat."

Marami pa siyang sinabi kaya hindi na ako nagsalita pa. Ang tagal naman nito matapos magtalak. Fuck. Kailangan ko ng mag-out. Kailangan ko ng magreport sa HQ.

"Whatever. Just, get me another one. Go. Leave this room." Sabi niya sabay irap at higa.

"Yes madam. I'm really sorry. I'll take my leave now."

Hindi na ako naghintay pa ng tugon at akoy tumalikod na. King-ina naman. Kailangan ko pang magreport. Fuck. Ang sarap matulog. Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong pumasok sa loob.

Pagkarating sa baba ay agad akong pumunta sa receptionist namin. Kailangan kong ipaalam na iba ang kukunin ng room #43. Nakita ko na si Michelle kaya agad akong lumapit.

"Michelle." Tawag ko sa kanya.

"Uy Ethan. Bakit?" Sagot niya pabalik gamit ang alyas ko at hininto ang ginagawa. Walang ni isa sa kanila ang may alam sa totoo kong pangalan.

"Kakarating ko lang, kinausap ko kasi ang isang customer. Pa change naman ng ibang magmamasahe sa kanya."

"Bakit naman? Ay. All-in ba?"

"Oo eh. Pa ulit-ulit nalang."

"Ilang request na ba yan ngayong gabi? Naku! Talamak ka ha! Bakit ba ayaw mo?"

One Night of ForeverWhere stories live. Discover now