Chapter 4
------
Michael's POVHinaplos-haplos ko ang buhok ni Kz at kita kung mahimbing na ang tulog niya. Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko.
"Then why didn't you leave? Kung ang dahilan naman pala ay ang pagtira niyo sa iisang apartment?" Tanong ni Khyle pagkatapos kung magsalita.
"I wanted to leave when the bullying first occurred. Mga isang taon na ata kaming magkasama nun. Handa na lahat ng gamit ko, aalis na dapat ako nun. Hindi ko sinabi sa kanya pero alam kung alam niya. Ginising niya ako pagkagaling niya sa trabaho, it was 6:30 am. As I was taking a bath, she prepared my breakfast, as per usual. Pagkatapos kung magbihis ay dumeretso na ako sa kusina at nakahain na nga sa lamesa ang kakainin ko. Napaisip ako kung dapat ko ba siyang iwan pagkatapos nang lahat ng ginawa niya?"
Pinuno ko muna ng hangin ang baga ko bago tinuloy ang kwento.
"Sa loob ng isang taon, pinagsilbihan niya ako na parang katulong ko siya. Ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na itigil na kasi pinapagod niya lang ang sarili niya pero ayae makinig. Gumigising ng alas tres para magtrabaho, uuwi ng alas sais para magluto ng almusal ko at para narin gisingin ako. Minsan ay sinasamahan niya ako pero minsan ay nagmamadali kasi babalik pa sa trabaho. Magkakasama lang kami kumain kapag lunch na. At kadalasan naman ay makikita ko siyang binubully. At first, hindi ko alam kung ano ang rason nila."
Bumuntong-hininga ako nang maalala ang pangyayaring yun. Kung saan nalaman ko ang rason nila.
"Hindi ako makapaniwalang sa isang napakababaw na rason ay magagawa nila yun. Know what it was? It was because she's smart. She always top all her subject. Dahil lang dun. Tang-ina, galit na galit ako nung malaman ko yun. Pagsasabihan ko sana siya pero nakita ko siyang pinagtulungan na naman ng cheering squad. Narinig ko nun ang isa pang rason nila, at yun nga, dahil magkasama kami sa iisang bahay. Pagkatapos siyang pagsasampalin ay umiiyak siyang tumakbo sa likod ng building. Dun ko naisipang umalis. Para matigil na ang pambubully sa kanya."
Huminga ako ng malalim at napatitig sa maamong mukha ni Kz. Bat ba kasi napaka-selfless mo. Bat mo kinaya lahat ng yun.
"And I realized after seeing the breakfast she prepared, she doesn't deserve to be left alone while fighting this battle. And dun na nagsimula ang friendship namin. Tumatag narin makalipas ang ilang taon. "
Nilingon ko sila isa-isa. Makikita sa mukha nila ang awa. Sino bang hindi. Aakalain mong sobrang lakas ng babaeng to kasi parang walang pakialam sa mundo pero tao lang siya, nasasaktan.
"Hindi ko akalaing ganyan siya katibay. Oo, kilala ko siyang parang walang pakialam sa mundo pero ang indahin lahat nang kagagohang ginawa sa kanya at kahit ni minsan at di niya ginamitan ng dahas ay nakakabilib." Manghang turan naman ni Lucas.
"That's why I promise myself to protect her from anyone who dares to ruin her, again." Sabi ko at tumingin kay Jillian. Oo, kaibigan ko siya pero hindi ko matanggap ang ginawa niya kay Kz.
"D, Look man, I'm sorry okay. I was young back then." Depensa niya.
"And so was she A. Kaibigan ka namin pero kaibigan rin namin si Akezha. Mali talaga ang ginawa mo." Balik depensa naman ni Khyle.
"Let's not fight over this guys. As much as I hate what you did A, magiging neutral kami. Pero wag ka namang maging insensitive at tangkain pang kausapin si Akezha." Sabi naman ni Lucas.
"What do you mean? I didn't." Tugon ni Jillian na umiiwas ang mga mata.
"We saw you earlier sa likod A. And nahahalata naming nagsagutan kayo. Don't deny anymore."
YOU ARE READING
One Night of Forever
RomanceAkezha Jane Sta.Ana is a well-known Architect and a model. May sariling business ito. Aside from having a firm, maraming branch na ang kanyang restaurants sa ibang bansa. Hindi naman ito naging mahirap dahil kasama nya ang kanyang bestfriend na si M...