Chapter 10
------
Nang makalabas ng bahay ay agad kong nakita ang naka-hilerang sasakyan."Convoy ba?" Tanong ko kay Kael habang nakayakap at pasan niya pa ako sa likod.
"Yep. Tayong tatlo ni Kedz sa sasakyan ko. Si Jillian naman at ang Fiancee niya. Si Khyle at Lucas at sina Haze at Haye muna ang gagamit sa sasakyan mo."
Sabi niya sabay maingat akong nilapag. Nang makatayo ay umalis muna siya sa harap ko at tinulungan ang iba sa pagsakay sa mga gamit. Kaming mga babae ay natira naman sa may gate at nag-usap.
"Bitch, balita ko ay may kaaway daw palagi si Mike dun sa firm niyo?" Napalingon naman ako kay Hazel na nagtanong. Nagkibit balikat naman siya nang makita ang lito kong titig.
"Don't look at me like that. Bukam-bibig kaya ni Mike yan tuwing tatawag. Tulog ka kasi minsan kaya hindi mo naririnig. Ayaw niya na rin sigurong ipaalam sayo kasi baka pagalitan mo siya."
"Pagalitan? Bakit naman? If it's the employee's fault then I guess he shouldn't be hesitant to tell me. He knows I don't want any errors." Medyo inis kong sagot.
"Actually, Mike's been unreasonable."
"I've heard that him and one of our engineer, Zion has been having a conflict. You see, our employees respects us and nobody dares to stand against us. Wala namang masama dun kasi kabutihan ng lahat ang punto namin. Kaya hindi rin umaapila ang mga empleyado. But Zion, she always defy Kael." Napapailing kong sabi at napabuga ng hangin sa naalalang eksena nung nakaraang buwan.
I remember that day much since it was our finals. Nagsusunog kami ng kilay ni Kael that time kasi nga gagraduate na kami. That day was stressful enough kaya naisipan naming dalawa na bumisita muna sa firm para naman may pagkaabalahan at mag-enjoy kahit papano.
It was all smooth, everything's smooth until Kael's secretary, Joshua came to us and said that one of the blueprints for an important client was changed. I mean, nothing's wrong about that right? Pero that was already signed. Napagkasunduan na yun ang gagawin. Kael was furious knowing na yun ang pinaghirapan niyang e-present. Joshua told us too na nakay Zion ang original.
Kael immediately stormed out of his office and look for Zion. Nakita niya itong nakatayo sa tabi ng water dispenser. Marahas niya itong hinila pabalik sa office niya. Napatayo naman ako ng tuwid at walang ni isang emosyong pinakita. Pabagsak na sinarado ni Kael and pinto at marahas na binitawan ang palapulsuhan ni Zion.
"What the fuck did you do Miss Laumann?" Sigaw ni Kael na hindi na napigilan ang galit. Namutla naman si Zion na napatitig sa galit na mukha ni Kael.
Ni minsan kasi ay wala pang nakakita sa aming mga empleyadong galit kami. We always keep our emotions clear. Locked up. Hindi kami basta-bastang nagsisigaw dahil lang galit. We are always calm everytime kaharap ang aming mga tauhan kaya ngayong nakikita ni Zion ang galit ni Kael ay siguro ngang takot siya.
"S-sir?" Inosenteng tanong naman ni Zion.
"Fuck!" Sigaw ni Kael dahil sa frustration at nasipa ang lamesa. Napalundag naman sa gulat si Zion.
That blueprint was important, ano man ang ginawa ni Zion ay hindi niya siguro sinadya kaya sumingit na ako bago pa magwala ng todo si Kael.
Lumapit na ako sa kanya sabay haplos sa braso niya. Tinitigan niya naman ako. Umiling ako sa kanya, pinapahiwatig na kumalma siya. Tinalikuran niya lang ako at hinarap si Zion. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Where's the original blueprint?" Pabagsak na tanong ni Kael. Mahihimigan ang pagtitimpi.
"I...I spilled coffee in it this morning while checking for details and....and, I'm really s-sorry." Nakayukong sabi ni Zion.
YOU ARE READING
One Night of Forever
RomanceAkezha Jane Sta.Ana is a well-known Architect and a model. May sariling business ito. Aside from having a firm, maraming branch na ang kanyang restaurants sa ibang bansa. Hindi naman ito naging mahirap dahil kasama nya ang kanyang bestfriend na si M...