6

32 0 0
                                    

    
     
Chapter 6
    
   
------
    
     
    
     
Nakababa na kami ng hagdanan at naglakad patungong dining area. Pagkapasok namin ay namataan agad kami ni Mama.

"Oh. Buti naman at gising na kayo. Inutusan ko kasi si Jillian na gisingin kayo."

"Oh nga po ti'ma eh. Makagising kasi tong si Kz, tinalunan ba naman ako at dinaganan. Bigat pa naman. Tsk."

Sagot naman ni Kael na kumakamot pa sa ulo. Sinipa ko naman ang paa ngunit mabilis siyang nakailag. Natatawang umupo naman siya sa isang bakanteng silya malapit samin.

"So kumusta naman ang kwarto mo Kael? I made sure nakaayon yun sa gusto mo. I remembered you showed me what you wanted."

Ang ibig sabihin ni mama ay ang isang guest room namin na dinisenyo ni Kael. Ang desinyo ay naayon sa gusto niya at pati narin ang mga kagamitan. Kaya nadala narin nang lahat na sabihing kwarto niya kahit guest room yun.

"Di pa po ako umabot sa kwarto ko ti'ma." Sabi niya sabay hila sa braso ko at pinaupo sa tabi niya. Bago pa makasagot si mama ay sumabat si Jillian.

"Actually tita, I was about to go to his room, the one you told me but Akezha says she'll wake him up. Akala ko nga po pupuntahan niya kaya nagulat nalang ako na bumaba si D mula sa higaan ni Akezha."

Sumbong niya kila mama. Tiningnan ko naman si Kael at nakitang natatawa siya habang iiling-iling. Ganun rin ang naging reaksyon ko pagkarinig sa sinabi niya. Ano ba trip nito? Gusto niya bang ipahiwatig na may ginagawa kami? Jusko naman. Pinapahamak pa kami.

Nang tiningnan ko naman sila mama ay natatawa rin sila. Of course they know us too well.

"Sa totoo lang, hindi na kami nagugulat sa dalawang yan. Kung nasaan ang isa ay siguradong andun ang isa. Kaya nga pinauna ko sayong papuntahan ang kwarto ni Kz kahit na mas malapit ang kwarto ni Kael." Sabi naman ni tita Jeanette.

"Hahahahaha. Hindi mo na mapaghihiwalay ang dalawang yan. Kapit sa isa't-isa na animoy tuko." Dagdag naman ni tito Keanu.

Nakita ko namang nakatunganga si Jillian kela tito at tita. Tumingin naman siya kela mama at pinalipat-lipat ang paningin sa dalawang mag-asawa.

"Aren't you mad about it?" Gulat na tanong naman ni Lucas.

"Why would we?" Sagot naman ni mama.

"Tito, magkasama sila sa iisang kwarto. Magkatabi pang natulog." Sabat naman ni Khyle sa usapan.

"Dyan kami muntik mapahamak mga iho." Sabi ni papa.

"Po?" Sabay-sabay na sabi nila.

"It's like saying we don't trust them enough to not let them sleep beside each other. And we all trust them both so why would we be mad? We know they won't do anything beyond the line." Sagot naman ni papa.

Natahimik si Jillian pati ang dalawa. Nagpatuloy naman sa pagkain ang mga oldies. Nang tingnan ko ang tatlo ay nagpatuloy narin sila sa kanilang kinakain. Kami naman ni Kael ay kumain na rin.

Habang kumakain ay may narinig akong nag-uusap mula sa may pinto ng bahay. Hindi naman sa enhance ang sense of hearing ko pero kasi parang nag-aaway ang dumating kasi nagsisigawan. Tumayo ako at lumabas ng dining area para tingnan kung sino ang nag-sisigawan. Sumunod naman sa akin si Kael. Gaya nga nang sinabi nila, kung nasan ang isa andun ang isa. Pagkalabas namin ay may nakasalubong kami.

"Oh my god! Kz! You're here! Kael! You're here!" Biglang sigaw nang isang nakasalubong ko.

"Bitch! You're alive. And so are you jerk!! You both are!" Sigaw ng isa pa. Jusko. Naka tayo lang naman ako sa harapan nila pero kung makasigaw ay parang nasa kabilang kanto ang kausap.

One Night of ForeverWhere stories live. Discover now