☁️5

95 5 14
                                    

NICOLE'S POV

Dumiretso kami sa hotel after ng wedding kuno. At sa iisang suite lang pala kami nitong si Sungwoon?

"Uhm... Gusto mo ba lumipat na lang ako ng suite?" tanong nya nang makita naming iisa lang ang kama at walang couch yung loob ng suite.

Alam kong lalaki si Sungwoon pero mukha namang takot sya sakin eh.

"Wag na. Gagastos ka pa" nilapag ko yung gamit ko sa may kama at umupo.

"Sure ka? Okay lang na tabi tayo matulog?" -Sungwoon

"Oo. Wala ka namang balak na masama diba?" -me

Tinignan ko sya at nag-iwas sya ng tingin.

"Wala ah! Syempre wala" umupo sya sa kabilang side ng kama at nilabas yung laman ng bag nya. Puro skin care products.

Di naman siguro bakla to diba? I mean, ex daw nya yung asawa ng leader nila eh.

"Nagulat ka ba? Di kasi ako sanay matulog na hindi malinis ang mukha eh" -Sungwoon

Iniba ko yung tingin ko at kumuha ng damit sa bag. "Magbibihis na muna ako" paalam ko at pumasok sa cr.

Kakaiba yung taong yun ah! Daig pa yung babae.

Nagbihis na agad ako ng damit. Just shirt ang pajama.

Si Sungwoon yung bumungad sakin pagkabukas ko ng pinto. Lumabas agad ako ng cr at sya naman ang pumasok dun.

Pumunta na ako sa kama at inayos yun. Naglagay ako ng unan sa pagitan namin.

Aba mahirap na! Lalaki pa rin naman yon kahit mas madami pang arte kesa sakin.

Paglabas nya ng kwarto ay nagpupunas sya ng mukha. Naka-pajama na rin sya. He looks fresh and attractive with those waters dripping from his hair.

Nag-iwas naman ako ng tingin at humiga na lang. Pagod lang ako kaya kung ano-anong naiisip ko.

"Matutulog ka na?" tanong nya pagkatapos kong maramdaman na pumwesto na sya sa tabi ko.

"Oo" tipid kong sagot.

"Okay. Good night" -Sungwoon

⏰⏰⏰

May naramdaman akong medyo mabigat sa may pagitan ng dibdib at tyan ko but I just ignored it.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong humaplos sa may dibdib ko kaya napadilat ako, only to found Sungwoon's hand cupping my left breast.

"AAAAAAAH!" sigaw ko at mukhang nagising naman sya. Kinagat ko yung kamay nyang nasa dibdib ko kanina at sya naman ang napasigaw sa sakit.

"ARAAAAAY BAKIT MO BA AKO KINAKAGAT? AAAAAAH!" -Sungwoon

Inalis ko yung pagkaka-kagat ko sa kanya saka sya pinaghahampas ng kamay ko. "ANG MANYAK MONG DEPUNGAL KA! KUNWARI KA PANG MABAIT PERO MANYAKOL KA DIN PALA!" nilakasan ko pa yung hampas ko habang pinang-block nya naman yung kamay nya sa nga hampas ko.

"ANO BANG GINAW- ARAY! GINAWA KO? ARAY!  BAKIT KA BA- ARAY! NAGAGALIT?" -Sungwoon

Tinigilan ko yung paghampas sa kanya at nilagay ang lower arm ko sa may leeg nya para di sya makagalaw habang mas diniin ko yung isa kong kamay sa balikat nya kaya napa-aray naman sya

"Nagising lang naman ako na hawak mo yung isang dibdib ko! Manyak!" mas diniin ko pa yung sa may balikat nya kaya halos maiyak na sya.

"SORRY NA DI KO NAMAN ALAM EH! TULOG AKO KAYA DI KO NAMALAYAN!" sigaw nya kaya binitawan ko na sya at umupo ng maayos.

We Got Married #11: Ha SungwoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon