NICOLE'S POV
Napamulat ako ng mata dahil sa liwanag na tumama sa mata ko. Umaga na pala.
Tinignan ko yung paligid at nasa loob pa rin kami ni Sungwoon ng kotse.
Wait, si Sungwoon...
I hit my forehead pagkakita ko sa kanya na ginawang pang-kumot sa upper body nya yung suot nya kagabi at yung dress ko naman sa lower body at legs nya.
Pumunta ako sa backseat at sinuot yung leggings at hoodie ko. Syempre naaalala ko lahat ng nangyari! At ang tanga ko.
Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Nicole?
Nagising naman si Sungwoon at napahawak naman sya sa ulo nya. Siguro dahil sa hangover.
"Anong nangyari?" tanong nya habang hinihilot yung ulo nya.
"Lalabas lang ako sandali para makapagbihis ka" paalam ko at saka lumabas ng kotse.
Malamang ayoko namang makita yung kung ano mang nakita ko sa kanya kagabi ulit!
Sabi ko nga maling-mali na uminom pa ako eh! Ang timang mo Nicole!
At ako pa talaga ang nag-initiate ah? Sana pwede ko itakwil ang sarili ko.
Narinig ko namang bumukas yung pinto ng kotse kaya napalingon ako.
"Nicole I'm sorry--"
"T-Tara sa c-convenience store? Magkape muna tayo bago bumalik sa dorm" putol ko sa sasabihin nya.
Di naman nya kasi kailangan mag-sorry kasi kasalanan ko yun.
Pumunta kami sa convenience store sa tapat nitong bar at nagkape. Bumili rin sya ng donut at muffin saka kami umupo pagkatapos mabayaran lahat.
"Nics--"
"Wala kang kasalanan. Lalaki ka so normal lang na mag-give in ka sa ganon. Sorry, dapat di na kita sinama eh" -me
"Kasalanan ko pa rin. Tsaka hindi ba mas better na sinama mo ako? Kasi what if hindi ako yun" -Sungwoon
I get his point. Siguro nga mas better na sya yun since kasal naman kami, although it's just a show.
"It wasn't your first, right?" alangan kong tanong.
Teka bat English yung tanong ko? Nakakahilo pa naman mag-English to!
"I-It was"
Napainom naman ako sa kape ko hindi dahil sa narinig ko kundi dahil tama yung grammar nya.
"Pero wag mo alalahanin yon. Ikaw? It's your first. Masakit ba?" -Sungwoon
Ngayon ko lang napansin na parang ang amo nga ng mukha nya. Parang ang bait, ganon.
"Kaya ko naman i-handle. Teka, paano mo nalamang--"
"May nakita akong bloodstains sa shotgun seat. Mukhang kailangan ipa-carwash ko muna yung kotse ni Minhyun bago ibalik sa kanya" -Sungwoon
Shit nakakahiya!
"Ako na bahala sa expenses" -me
"Wag na. Ako na. Mas malaking nawala sayo kaya ako na" -Sungwoon
Tinuloy na nya ang pag-kain. Parang ang bait nya, malayo dun sa kapatid kong best friend nya.
"Bakit? Madumi ba yung mukha ko?" -Sungwoon
"Bat hindi ikaw yung pinili ni Mriel?" tanong ko. Nakaka-curious kasi.
I mean, gentleman naman sya at mabait. Kapos nga lang sa height.
BINABASA MO ANG
We Got Married #11: Ha Sungwoon
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 11th part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]