NICOLE'S POV
Mga dalawang oras na siguro yung lumipas pero nandito pa din kami sa condo nya. Naisipan namin manood ng movie na Charlie's Angels.
"Sungwoon popco--Sungwoon?" I poke his cheek at napangiwi lang sya pero hindi dumilat.
Tignan mo to! Nagyaya manood ng movie tapos tutulugan lang? Hay nako...
Patayo na sana ako pero bigla kong naramdamang bumagsak yung ulo nya sa lap ko. Tulog pa rin sya.
Jusmiyo ano bang kasalanan ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?
Tinignan ko yung mukha nya habang natutulog. Ang perfect nga ng skin nya. Dagdag mo pa yung maganda nyang pilikmata at ilong. Pero pinakaagaw-pansin yung plump nyang lips.
I trailed my fingers on his soft lips. Tama nga ako, malambot nga talaga yung lips nya.
Nag-kiss naman na kami before, sadyang late ko lang na-realize.
Napalayo naman ako ng kamay ko nang bigla syang humilik. Ang cute putek!
"Hay nako Sungwoon! Bakit ka ba ganito? Ang hirap mo i-resist" inabot ko yung isang ulap na plushy at dahan-dahan inangat yung ulo ni Sungwoon para doon iunan.
Nakatayo na rin naman na ako sa wakas at pumunta ako sa kusina. Medyo nagugutom na ako eh. At for sure gutom na rin yang bansot paggising nya.
✂️✂️✂️
SUNGWOON'S POV
Napadilat ako at yung puting kisame dito sa condo ang bumungad sakin. Bumangon naman ako at nakita ko si Nicole sa may dining.
"Gising ka na Sleepyhead" binaba nya yung hawak nyang plato sa lamesa.
"Sorry nakatulog ako. Natapos mo ba yung movie?" tanong ko habang naglalakad papunta sa kanya.
"No, di ko na tinapos. Nagluto na lang ako ng meryenda natin. Kumakain ka naman ng waffles diba?" -Nicole
Tumango na lang ako. Ewan ko pero naw-weirdan ako sa mga kinikilos nya nitong mga nakaraan.
Di na kasi sya maangas. Parang level na lang ng kasungitan ni Danica kay Seongwoo, ganon.
Di naman sa ayokong di na sya parang lalaki kumilos, medyo weird lang.
"Gusto mo ng coffee?" -Nicole
Tumango ako at umupo. Mukhang itong dining ang favorite spot nya dito since mahilig sya sa kape.
Binaba naman nya yung dalawang tasa ng kape at saka umupo sa harap ko.
"Kain na" nilagyan nya ng isang waffle yung platito sa harapan ko.
"Salamat. Pwede ka na mag-asawa ah?" -me
"Baliw! Mag-asawa na tayo diba?" -Nicole
Napakamot ako ng ulo ko. "Oo nga pala"
Nagsimula na kaming kumain. Masarap yung pagkaka-timpla nya sa waffle. Bagay na bagay sa tinimpla nyang kape.
"Salamat pala kasi dinala mo ko dito. Salamat kasi pinakita mo sakin to" -Nicole
"Di naman big deal yon. Tsaka nag-enjoy naman akong kasama ka dito ngayon" -me
Medyo naging pink naman yung pisngi nya.
"Naiinitan ka ba? Gusto mo lakasan ko yung aircon?" -me
"H-Ha? Hindi ah! Okay lang" -Nicole
"Namumula ka kasi eh" -me
Hinawakan nya yung pisngi nya at tinakpan yon.
"Pulang-pula ba?" -Nicole
"Di naman. Pinkish lang" -me
BINABASA MO ANG
We Got Married #11: Ha Sungwoon
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 11th part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]