SUNGWOON'S POV
Bumaba ako sa kotse ni Minhyun at pumasok sa usual samgyup restaurant na laging tinatambayan ng padding squad.
Hinintay ko pang makatulog si Nicole bago umalis ng dorm. Ang awkward kasi kung aalis ako na gising pa sya.
"SA WAKAS NANDITO KA NA!" -Jimin
Umupo ako sa pwesto namin.
"Nag-order na kami ah? Ikaw na bahalang magbayad" -Ravi
"Oo na! Lagi naman" naglagay ako ng soju sa shot glass na nasa harap ko at nilagok yun.
"Ano ba kasing problema at kung kelan alas dos ng madaling-araw eh tsaka ka magyayayang uminom?" -Jimin
"Oo nga. Patulog na dapat ako eh" -Timoteo
Paano ko naman io-open yung topic na yon? Nakakagulat kasi.
"Uy! Magsalita ka! Naistorbo yung tulog namin tapos makikipagtitigan ka lang dyan sa soju?" -Ravi
Bahala na nga!
"Si Nicole kasi.." sasabihin ko ba?
Naguguluhan na din ako! Ano bang gagawin ko?
"Anong meron sa asawa mo?" -Timoteo
"Wala" uminom na lang ulit ako at halata naman ang inis sa mga mukha nila.
"Gureumi, kilala ka namin. Di ka magpapapuyat ng ganito kung wala kang problema dahil mahalaga sayo ang beauty rest mo" -Jimin
"Gusto daw nya ako"
"Ayun lang pala eh! Gusto ka n-- Gusto ka ni Nicole? As in yung asawa mong nakakatakot?" -Jimin
Tumango ako.
"Pero di naman na sya nakakatakot. Mabait sya" -me
"Ayun naman pala eh! Anong problema dun kung gusto ka nya?" -Jimin
"Iba kasi yung gusto ni Gureum" -Ravi
Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko.
Dapat ba di na lang ako naging komportable sa kanya para di sya nahihirapan ngayon?
"Gureumi, uso move on ah? May asawa't anak na yung ex mo. May asawa ka na din. At kung titignan mo ng maigi, walang mali sa nararamdaman ni Nicole kasi mag-asawa naman na kayo. Yung mali eh yung feelings mo na hindi mo ma-let go para sa ex mo" -Ravi
Alam ko naman yun eh. Pero anong magagawa ko? Alangan pilitin ko yung sarili ko magkagusto kay Nicole?
"Ewan ko rin ba naman sayo Gureum kung bakit di mo mabitawan yang ex mo! Kung ako sayo, susubukan ko na lang din gustuhin si Nicole. Maganda naman sya eh, at sabi mo nga, mabait. Ano pa bang hahanapin mo?" -Timoteo
"Pero hindi sya si Mriel" -me
Nakatikim naman ako ng batok kay Timoteo na nasa tabi ko.
"Malamang! Si Nicole nga sya diba?" -Timoteo
Sabi ko nga literal talaga to mag-isip eh.
"Magkaiba sila kaya di mo dapat sila pagkumparahin. Pero kailangan mong mag-decide ng maigi. Dun ka ba sa gusto mo pero hindi ka na ulit magugustuhan? O dun sa hindi mo gusto sa ngayon, pero may possibility mo namang magustuhan in the future?" -Jimin
Nakaka-depress naman tong situation na to. Baka pwedeng hiwain ko na lang ng blade yung pulso ko para matapos na?
"Paano kung di ko sya magustuhan?" -me
"Imposible yon. Hindi ka magiging ganyan ka-affected kung walang chance" -Ravi
"Gureumi!"
Nagulat naman ako nang bigla akong kwelyuhan ni Jongin at saka hinatak patayo.
BINABASA MO ANG
We Got Married #11: Ha Sungwoon
FanficIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 11th part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]