☁️6

90 3 9
                                    

SUNGWOON'S POV

"Hyung, baka mabasag na yang salamin kakatingin mo" -Seongwoo

"Eh kasi naman eh!" -me

"Kasi ano?" -Seongwoo

Inirapan ko na lang sya at tinignan ulit yung sugat ko. Hindi naman siguro to magkakaron ng peklat diba?

"Hyung tama na. Di naman malalim yung sugat oh? Baka mas ma-infect lang yan kakahawak mo" -Minhyun

Napaupo na lang ako sa couch at hiniga ang ulo ko sa sandalan.

Ang dami nya naman kasing pwedeng sapakin, bakit yung mukha ko pa?

"Ayan kasi. Ano bang ginawa mo kay noona? Sinilipan mo no?" -Jihoon

"Gago" binato ko sya ng throw pillow.

Siguro nga mas maganda pa kung nasilipan ko sya or minanyak ko talaga para at least may reason talaga kung bakit nya ako sinapak PERO HINDI EH!

"Ano hyung? Rate 1-10" -Woojin

Sinamaan ko sya ng tingin. Isa pang gago eh.

"Ano ba kasing nangyari?" -Jisung

Andito na naman tong matandang to.

"Misunderstanding nga lang" -me

"Anong klaseng misunderstanding ba yan? Sabihin mo na kasi" -Jisung

Argh! Alangan i-broadcast ko sa kanilang lahat na nagising na lang yung asawa ko na nasa dibdib na daw nya yung kamay ko?

"Basta! Hayaan nyo na lang. Okay naman na eh" -me

"Akala mo talaga ang bait oh?" -Jaehwan

"So ano nga hyung? Sexy ba si noona?" -Woojin

"Gago! Paano ko naman malalaman yon?" -me

"Edi tignan mo. Bakit? Di mo ba tinignan nung natutulog sya?" -Jihoon

"Ang gago nyo talagang dalawa no? Una, hinding-hindi ko gagawin yon dahil di ako kasing-manyak nyo. Pangalawa, kung gusto nyo malaman, kayo na lang yung tumingin" -me

"Ano yung pangatlo hyung?" -Woojin

"Pangatlo? TIGILAN NYO KO DAHIL MGA WALA KAYONG PEMPEM!" sigaw ko sa kanila bago tumayo at umakyat sa kwarto ko.

Nakakainit sila ng dugo sa pempem!

"Oppa?" rinig ko namang may kumatok kaya napatingin ako sa pinto. Si Mriel pala.

Ngumiti agad ako sa kanya. "Pasok ka dali!" nag-motion pa ako na umupo sya sa tabi ko since nakaupo ako sa kama, at sumunod naman sya.

"Okay ka na?" -Mriel

"Okay na okay na" -me

Sino ba namang di magiging okay nito?

"Pero feeling ko mas okay talaga kung ikikiss mo to eh" tinuro ko sa kanya yung gilid ng lips ko na may sugat.

"Sira ka talaga" hinampas nya ng mahina yung noo ko para patigilin ako.

I watch her laugh. Sana lagi ko syang napapatawa ng ganyan.

"Bakit?" tanong nya nang mapansin nyang kanina pa ko nakatingin sa kanya.

Umiling lang ako.

"Oppa, binata ka na talaga. Parang noon lang ang taba-taba mo pa tapos para kang may gong sa tyan mo" -Mriel

"Ang sama mo sakin ah! Ikaw nga noon mulagat na mulagat yung mata mo eh! Kamukha mo si Dobby" -Sungwoon

"Inamo" -Mriel

We Got Married #11: Ha SungwoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon