☁️16

96 3 23
                                    

SUNGWOON'S POV

"Okay ka lang? Parang namumutla ka" tanong ko sa kanya pagkasakay namin ng bus papuntang Daejeon.

Tumango lang sya. Mukhang may masakit sa kanya.

"Gusto mo ng candy? Nahihilo ka ba? O tubig??" tanong ko pero umiling sya.

"Itutulog ko na lang to" sagot nya at saka pinikit yung mata nya.

Hinawakan ko yung ulo nya at hiniga sa balikat ko. Dumilat naman sya at tumingin sakin.

"Anong ginagawa mo?" -Nicole

"Para mas komportable ka matulog" -me

"Sasakit lang leeg ko sa ginagawa mo eh" angal nya tsaka binangon ang ulo nya na nasa balikat ko.

Paano sya makakatulog nyan?

Nakita ko namang sinandal nya yung ulo nya sa bintana. Sinuksok ko naman yung kamay ko para maging unan nya.

"Ano yan? Mangangalay ka lang" -Nicole

"Okay lang. Kesa mabagok ka dyan" -me

Binangon nya bigla yung ulo nya at inalis ko naman na yung kamay ko.

"Gusto ko ng kape" -Nicole

"San naman ako hahanap ng kape eh umaandar na yung bus?" -me

"Sinabi ko bang maghanap ka? Sabi ko lang gusto ko ng kape! Baliw" -Nicole

"Sana ol gusto" -me

"Nag-text si Mriel, patangkad ka daw muna bago mag-sana ol" -Nicole

Napakasungit talaga nito sakin ngayon!

"Porket crush ka ng crush mo" -me

"Sinong crush?" -Nicole

Maang-maangan pa eh!

"Sino pa ba? Edi si Chen! Halatang-halata naman kahapon eh" -me

"Siraulo. Epekto lang yan ng nainom mong expired na Cherifer" -Nicole

"Height ko na naman" -me

After ng mahigit isang oras na byahe, nakarating na din kami sa hospital dito sa Daejeon.

"Magkape muna tayo. Gusto mo ng kape diba?" aya ko sa kanya at pumasok kami sa isang coffee shop malapit sa hospital.

"Anong kape sayo?" -Nicole

"Yung matapang. Yung kaya ako panindigan" -me

"Gagu? Para kang nabuntis dyan tas di pinanagutan" -Nicole

Bakit ba ang sama nya sakin? Ang ganda na ng emote ko oh?

"Iced americano" -me

"Miss dalawa pong iced americano at...anong gusto mong cake?" -Nicole

"Ube" -me

"Isang slice ng ube cake tapos isang slice nung sa strawberry" -Nicole

"1000 po lahat Ma'am" -cashier

"Uy Sungwoon! 1K daw" -Nicole

Tinignan ko naman sya.

"Ano? Ikaw nagyaya diba? Ikaw magbayad" -Nicole

Sabi ko nga eh. Sa bagay, ako naman yung lalaki.

Nagbayad ako sa cashier at naghanap naman ng mapupwestuhan si Nicole.

"Girlfriend mo po sir? She looks hot yet cold" -cashier

Grabeng description ah? Akala mo hindi babae tong cashier na to eh!

We Got Married #11: Ha SungwoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon