Unang Kabanata
"Lola, mag-kwento ka po sa mga nangyari sa nakaraan niyo," sabi ko sa lola ko.
Ako si Leticia, walong taong gulang na ako sa mga oras na ito ngunit ang pag-iisip ko'y maikukumpara sa mga nag-aaral na ng high school. Nahiligan ko ang pagbasa ng mga libro sa paaralan. Mahirap lang ang angkan namin ngunit pinagpala naman ang magulang ko.
Nakahiligan ko rin ang pagsalita ng malalalim na lenggwahe dulot ng pag-uwi namin sa probinsya ng Guimaras. Hindi rin ako madalas gumagamit ng dialekto namin ngunit batid ko ang bawat salita nito.
Tumingala si lola sa langit na nasa labas ng bahay namin, iniisip nito ang nakaraang naaalala niya pa. Matanda na si lola Kristen, paralisado na rin ang kaniyang mga paa dulot ng isang aksidente, hindi ko mawari kung ano iyon ngunit alam kong iyon ang dahilan ng pagkamatay ng aking lolo.
"Sang-una, ginalakat lang namon ang siyudad papuli sa balay," 'noon, nilalakad lang namin ang siyudad pauwi sa bahay' saad nito, tinutukoy ang siyudad ng Iloilo.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko.
Bigla akong tinignan ni lola sa mata at sumeryoso ito, "apo, dadalhin ka ng kwento ko sa ibang panahon," saad nito at napatindig naman ang lahat ng balahibo ko.
Umikot ang salas namin, bumilis ito ng bumilis, nakakahilong tignan at parang mahihimatay ako. Nawala si lola sa harapan ko at ako naman ay naiwang nakatayo sa pwesto ko, sa bilis ng pag-ikot ng silid ay nahimatay ako.
Susunod na tulay...
