Chapter Four

28 4 0
                                    

"Jin, Bo-"

"Alam ko yang tinatanong mo Zham!! Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing nasa harap ko siya, nauutal ako. But don't get me wrong! Wala akong feelings sakaniya, maybe I am just... scared to be expelled." sabi niya at napayuko. Wait, si Arvin ba ang pinaguusapan namin dito? Atsaka expelled? Bakit naman kaya kami maeexpelled dahil kay Arvin? Pero ang mahalaga sa lahat, bakit ba kami nasa boy's CR?!

Bago ko pa itanong kay Jin kung ano ang tinutukoy niya ay kailangan muna naming umalis rito. "Jin bago yan, nagkamali ka-"

"Nagkamali?! Zham kahit hindi niya ako kilala, hindi ako nagkamali ng pagresearch sakaniya! I even heard that he already expelled three students in this school! Three!!" Nilapit niya sa mukha ko ang tatlong daliri niya, "wait, expelled? Siya mismo? How?" tanong ko dahil estudyante lang naman si Arvin dito, paano siya nakakapag expelled?

"Anong 'How'?! Because he is! Arvin Melioner" sagot niya na mas nagpakunot ng noo ko, "so?" nanlaki naman ang mata niya at napanganga siya sa sinabi ko. "Duh.. Zham! Anong pagalan ng school natin?" napaisip ako sandali bago sumagot, "Diba... Melioner High Academy?... teka, Melioner... Arvin Melioner?! It means..."

"Yes Zham! Tanging anak lang naman siya ng mga Melioner and hindi lang your soon-to-be owner ng school dahil siya na talaga ngayon ang may ari ng school. Narinig ko ring practice daw ito para sakaniya, akalian mo yun? He even have an adviser!" manghang sabi niya na may halong irita. Woah, bakit kaya ang slow ko nung sabihin saakin ni Arvin kagabi ang buong pangalan niya?

"It must be also why he knows a lot about me" hindi ko sinasadyang sabihin pero narinig na ni Jin. "That creep, baka mamaya ginagamit niya na ang kapangyarihan niya para makapag stalk" mainit pa ring sabi ni Jin pero napangiti na lang ako. Kahit sandali lang kaming nagkasama at nagkausap ni Arvin ay alam kong hindi siya ganoong tao. A little airhead I guess but he's good and humble.

"Oh! Oo nga pala, mahaba naman ang vacant time natin after this class so let's go shopping later? Please? Please? I need a new pair of shoes! hehe" nakangiti nang tanong niya saakin. Woah, heto nanaman tayo sa mega bipolar ni Jin. Ang bilis lang talaga, parang kanina lang ang sama ng aura niya pero ngayon napaka jolly na.

"Makakatanggi pa ba ako sa pilit mo?" sagot ko at napatili siya sa tuwa kaya napatawa ako, "I love you!!" exagg niya pang sagot, haynaku na lang talaga. "Mahilig rin naman kasi akong mag shopping and I am sure na matatagalan tayo mamaya kaya don't forget na may class pa tayo ha?" paninigurado ko dahil baka absent ang lagay namin kapag nawili kami sa Mall.

May sasabihin pa sana si Jin nang biglang malakas na bumukas ang pintuan ng CR. Napatingin kami pareho ni Jin at nakita si Arvin na pumasok while unzipping his pants. Sheett na malagkit!! Nasa boy's CR pala kami!! Napasigaw si Jin sa gulat pero napapikit lang ako at napatakip ng mukha.

"Aaaahhh!!" narinig kong sigaw rin ni Arvin pagkatapos ng sigaw ni Jin. "Bakit kayo nandito?" tanong niya pa at nakita kong napanganga si Jin, "aba! Kami dapat ang nagtatanong niyan! Girl's CR kaya ito!! Porke't may ari ka, may karapatan ka ng pumasok sa kung saan saan?!" galit na tugon ni Jin. Nakakahiya talaga, hinawakan ko na lang ang kamay ni Jin at napatingin kay Arvin.

"Hoy! Boy's CR to!! At tama ka, may karapatan akong pumasok sa kung saan saan dahil pagmamay ari ko naman ang lahat dito" ganti ni Arvin, pakakalmahin ko na sana sila ng magsalita pa si Jin. "Ano?! Sinungaling ka na nga, manyak ka pa!" namumulang sabi ni Jin. "Jin, boy's CR talaga ito" bulong ko kay Jin. Dahan dahang napatungo saakin ang atensyon niya, "ha?" tangi niyang tanong.

"Tama si Arvin kaya... lumabas na tayo rito" napanganga si Jin sa sinabi ko at napatingin sa paligid, napalaki ang mga mata niya at naistatwa. Napatungo naman ako kay Arvin, "Sorry talaga Arvin" yuko kong sabi at mabilis na lumabas ng CR habang hila hila si Jin. "Sige, sige! Baka kung ano pang gawin ko"sagot niya at napatawa. Ha! Langya talaga ang mokong.

My Mysterious PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon