Chapter Two

51 4 0
                                    

The next thing I know, nakaupo na kami ngayon ni Arvin sa loob ng store at nilalamon ang mga kendi at tsokolateng binili namin. Mukhang kami lang rin ang tao sa store except the guy on the cashier who looks oddly handsome. He has this aura na nakakapagbighani ng isang babae, basta hindi ko maexplain. Dahil sa kinakain kong sweets ay mas tumitimbang ang sarap kesa itsura niya.

While eating, something caught my eye outside. "Vin, ano yun?" tanong ko kay Arvin at tiningnan niya naman ito, "uh, poster?" muntik ko na siyang batukan. May poster naman talaga na nakadikit sa glass wall ng store. "hindi, iyong nasa labas... iyon oh!" sabi ko ulit at tinuro sa glass wall ang tinutukoy ko. "ah, iyon? Ewan, parang bahay na hindi?" I rolled my eyes at him, "anong klaseng sagot yan?" galit kong tugon. "Huwag na tayong pumunta diyan, it's almost dark" sabi niya at nagsimulang ligpitin ang kalat namin sa mesa.


Hmm, should I ask the cashier? Tumayo ako at mabilis na pumunta sa cashier, "um, excuse me ano -" "kung wala kang bibilhin, wag mo akong tanungin" putol niya sa sinasabi ko, tsk suplado. Sumabay na lang ako kay Arvin na papalabas na ng store, he was about to go to his car but I dragged him at the abandoned house that I saw.


"Let's just take a peek" suggestion ko pero seryoso siyang umiling. I pout and look at the house, actually bahay siya na mukhang tindahan dahil sa dami ng bote at halamang nakakakabit. Kumbaga, parang sinaunang tindahan ng mga halamang gamot, o di kaya ay bahay ni maria makiling na hindi na natirhan ng ilang dekada. Something's really pulling me to go inside. "Sige na mabilis lang" aya ko kay Arvin at naglakad na ako sa harap ng pinto, naramdaman ko namang sumunod siya. Napansin kong may nakaukit sa pinto kaya inalis ko ang alikabok gamit ang palad ko.


"'Your future behold behind this door'" basa ko sa nakaukit sa pinto, bigla kong narinig si Arvin na tumatawa sa likod ko. "Anong nakakatawa?" tanong ko, "that's so lame! hahahhaha" sabi niya at mas lumakas pa ang tawa. "so?" walang pake kong tanong pero halos gumulong na siya sa sahig sa kakatawa. "Bahala ka, basta papasok ako" napatigil naman siya sa kakatawa at hinawakan ako sa balikat, "teka, sama ako" seryoso niyang tugon. "Akala ko, lame?" tanong ko at unti unti nanaman siyang ngumiti at humalakhak hanggang lumuha siya. Langya...Hayy, napabuntong hininga na lang ako at kumatok pero walang may sumagot. Pumasok na ako dahil baka abandona naman talaga at walang tao, I am just so freaking curious. Napakadilim sa loob at bigla na lang sumara ng malakas ang pinto sa likod ko. Okay, this is getting creepy, lumabas na lang kaya ako?


Bigla na lang nagsindihan ang mga kandila sa paligid ko at parang may daang pinatutunguhan ito. "Hello? Tao po!!" tawag ko sa kawalan habang naglalakad sa daang binibigay ng kandila. Bakit parang lumalamig? Marami namang kandila rito ah? Wala rin akong may naririnig... di kaya... multo? Biglang bumukas ang ilaw at may sumulpot sa harap ko.


"Aaaaahhhhhh!!!!--" tinakpan ko kaagad ang bunganga ko nang marealize na isang matandang babae na kulay puro puti ang buhok ang nasa harap ko. Seryoso ang mukha niya at titig na titig saakin kaya napalunok ako. Her face reminds me of the witches I saw in movies and book when I was a kid. Hindi na dapat ako pumasok rito.


"Tumahimik ka nga iha, sundan mo ako" sabi niya kaya natauhan ako, "o-opo" sagot ko. "Tawagin mo na lang akong lola Isay" sabi niya kaya magpapakilala rin sana ako pero nagsalita siya bago pa ako umimik. "Kilala na kita kaya maupo ka" sabi niya. Hindi ko namalayan na nasa isang kuwarto na kami. Maraming alikabok at sapot sa paligid, ang upuang nakita ko ay halatang mas makapal pa ang alikabok kesa sa mismong silya. I just shrugged at the place and sit.

My Mysterious PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon