I am pretty sure na siya ang nagligtas saakin.
Why am I so sure? Kahit madali akong nakakalimot ng pangalan, hinding hindi naman ako nakakalimot ng itsura't boses. May isang bagay nga lang na kailangan kong makita para one hundred percent positive na ako. Iyon ay ang dimples niya!
Boogsshh!
"Aray!" napahawak ako sa noo kong nabunggo ata ng pader, pagtingala ko ay poste pala ng bulletin board, langya!
"Pfft- Hahahahhaah!!" tawa ni Jin sa tabi ko kaya napa pout ako, "ba't di mo man lang ako pinigilan?!" angal ko.
"Malay ko ba? Naglalakad lang naman tayo tapos nabunggo ka diyan! Haahhaah lutang ka?" tawa niya pang sabi saakin.
Hinimas himas ko naman ang noo ko nang may maramdaman akong malamig na bagay na pumatong sa ulo ko. Pagtingala ko ay si Arvin pala na may dalang bottled water.
"Ilagay mo ito, malamig pa galing sa cafeteria" sabi niya at inabot saakin ang tubig, ano kaya ang nakain nito at naging mabait?
"Woah, thanks..." awkward kong sabi at nilagay na lang ito sa noo ko, napatingin naman ako kay Jin na mukhang na weweirduhan rin pala kay Arvin.
"Akala ko may lakad ka? Atsaka dapat pinagtatawanan natin si Zham!" giit ni Jin kay Arvin kaya pinandilatan ko siya ng mata. Ngumisi lang siya saakin at niyakap ako. Itong si Jin talaga paiba iba ang ugali, minsan mabait minsan bully saakin. But I still find it adoring coming from her.
"May lakad nga ako pero may dapat pang ibigay saakin si Zham" sagot ni Arvin ng nakangiti, napatingin naman ako sakanya at napatanong, "hm? dapat ba? anong ibibigay ko saiyo?".
"Sa bulsa mo" turo niya kaya napakapkap naman ako sa bulsa ko, wala namang ibang laman ito bukod sa-- ang dilaw na papel?! Gulat na gulat akong napatingin kay Arvin, siya ba ang dapat kong pagbigyan?
Inilahad niya ang palad niya sa harap ko at dahan dahan ko namang inabot ang dilaw na papel na nagmula pa sa cashier guy. Bago pa umabot sa kamay niya ay bigla itong hinablot ni Jin mula saakin.
"Ano ba'to?" tanong ni Jin, kunot noo niyang binaligtad ligtad ito. Kinuha rin naman agad ito ni Arvin at dinurog sa kamay niya ang papel.
"Hindi na importante, sige... alis na'ko" paalam ni Arvin, naiwan lang kami ni Jin na nakatayo sa hallway.
"What was that?" sarcastic na sabi ni Jin saakin, crossing her arms. Nagshrug lang ako pero pinaningkitan niya ako ng mata.
"Para saan ang letter na yun?" letter?! Hinawakan ko kaagad ang magkabilang balikat ni Jin, "letter?! may nakasulat sa papel?! May nakita ka?!" sigaw ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Kalma Zham! Saiyo nanggaling, hindi mo alam?" napakurap ako sa tanong niya, "ah, hindi galing saakin, galing sa kakilala ni Arvin! Na pinaaabot saakin, para sakaniya hehe. You know, common friend atska hindi ko raw pwedeng basahin" paliwanag ko, sana naman lumusot.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Prince
Teen Fiction"One night, I had a dream. A dream about a boy who saves me from falling. Falling in love with this guy. A guy who who doesn't really deserves my heart. My heart that suddenly beat to an unknown person whom I called MY MYSTERIOUS PRINCE."