Chapter Seven

13 3 0
                                    

"Weird..." bulong ko sa sarili ko pagdating namin ni Jin sa abandoned park. "Zham? Sure ka bang may Candy Store dito? Parang wala namang katao tao dito eeehhh" sabi ni Jin sa tabi ko at kumapit ng mahigpit sa braso ko.


Sigurado naman akong ito ang napuntahan namin ni Arvin last time pero nasaan na ang candy store? Kaharap lang kasi nun ang bahay kubo na kailangan ko talagang mabalikan.

"wait, what's that smell?" biglang tanong ni Jin at inangat angat ang ulo, inamoy ko rin ang palagid. "Cookies?" sabi ko sakanya dahil sigurado akong amoy cookies yun, it was like a freshly baked cookies came out from the oven.


Napangiti naman bigla saakin si Jin at hinatak ako sa kung saan niya ito naaamoy. Hanggang sa nakapunta kami sa isang pamilyar na parte ng park, teka ito yun! But instead of seeing a candy store ay may nakatayo ng bakery shop sa lugar nito. What the?!

"Zham tara!" masiglang hatak saakin ni Jin, pagpasok namin sa bakery shop ay amoy na amoy mo ang mabango nitong iba't ibang klase ng tinapay. I noticed that it is the same furniture and glass walls as the candy store but only its selling bread.


"Get a table Zham coz we'll dine in and would later have take outs!" masayang sabi ni Jin at naglibot na sa shop.


Lumingon ako at sinubukang hanapin ang bahay kubo na baka kaharap lang nitong bakery shop, I know its weird dahil dapat kaharap yun ng candy store but I have this feeling that this is the same shop.


Unfortunately, hindi ko mahanap ang kubo, it is nowehere on this abandoned park. I picked the same table na inupuan namin ni Arvin last time. Tiningnan ko rin ang glass wall kung saan ko unang nakita ang kubo but its only a playground now.Napabuntong hininga ako...


"Zham! You gotta try this! Ahh, heaven!" sabi ni Jin at umupo sa harap ko, marami siyang kinuhang pastry and I remember that Arvin and I also had the same face the first time we got here. "In fairness, masarap din sa mata ang cashier guy pero mas masarap itong tinitinda niya! hahaha" dagdag ni Jin at mas kumain pa. Mukhang nakalimutan na niyang mag crave ng candies.


Cashier guy? Wait! Baka may alam siya! Tumakbo ako papuntang cashier and as expected ay nandoon siya. Nakaupo siya sa upuan habang ang mga paa ay nasa counter, nagbabasa siya ng isang libro na may puting blangkong cover at walang title.


"Um, excuse me?" tanong ko, "may bibilhin ka?" tanong niya ng walang gana habang patuloy pa rin sa pagababasa. "Wala po, may gusto lang-" "Kung wala kang bibilhin, samahan mo na lang ang kaibigan mong kumakain" putol niya sa sinasabi ko. So rude! Nawalan na agad ako ng pasensya kaya lumapit ako sa counter at tinulak ang paa niya.


Naibaba niya ang libro at napaharap saakin, he looked pissed. Pagkatitig ko sakanya ay napansin ko ang napakaitim niyang buhok at maputing balat, maganda ang hugis ng mapula niyang labi at matangos na ilong, may makapal din siyang kilay na bumabagay sa malalim niyang mga mata, ang mga mata niyang kulay berde sa kaliwa at asul sa kanan. Hindi ako makapaniwalang nabighani ako sa una kong pagkita sakaniya pero ngayon, parang napalitan na ng takot.


"Ah, sorry" sabi niya na para bang may may naalala at gumaan na ang paligid, nakahinga ako ng maluwag, what was that?! "Ang ayaw ko kasi sa lahat ay ang ginugulo ako" mahinahon niyang sabi, pinatong na niya ang libro sa counter at tumayo.

My Mysterious PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon