Chapter Six

17 4 0
                                    

Nakangiti ako hanggang sa paguwi at bago matulog, pagupo ko sa kama ay naalala ko nanaman siya. Sheett! Kinikilig ba ako? He's a stranger! "Magkikita pa kaya kami ulit? I should have at least see his face, hayy.. what a mysterious -" napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa singsing.

"Posible kayang siya ang tinutukoy ni Aling Isay?" tanong ko sa sarili ko at mas tinitigan ng mabuti ang singsing. Sa pagreflect ng ilaw dito ay may bigla akong napansing nakaukit sa singsing, it's a letter!

"P?" basa ko sa nakaukit rito, teka... wala namang may nakaukit sa singsing nung una ko itong nakita ah? Baka hindi ko lang napansin? Or did it just magically appeared? Arrgghh!! Makatulog na nga lang.



Napahikab ako habang papasok ng classroom, timing naman na nakasalubong ko kaagad si Jin na mukhang papalabas ng room. "Mukhang inaantok ka pa ata?" taka niyang tanong pero napangiti lang ako at tumango, "hindi ako makatulog kagabi" sagot ko at pumunta na sa upuan ko. Sumunod naman saakin si Jin, "aba... may nangyari ba kahapon pagkatapos nating mag shopping? Magkuwento ka naman!"

Sasabihin ko na sana sakaniya nang maalala kong pinahatid ko pala siya kahapon kay Arvin, nawala ang ngiti ko at napaharap sakaniya. "Ikaw ang dapat kong tanungin, ayos ka lang ba? Pinahatid kita kahapon kay Arvin dahil sa kalagayan mo" alala kong tanong. I am not changing the topic but I am just really worried about her.

"Ha?" medyo loading niya pang tanong at mukhang na realize ang ibig kong sabihin. Bigla naman siyang namula at umiwas ng tingin saakin, "I-I was fine! Gusto ko sanang magalit saiyo kasi kay Arvin mo pa ako iniwan pero alam kong nagaalala ka lang saakin besides, sinabi niya na saakin ang lahat kung bakit kami magkasama kahapon" seryoso niyang sagot. 

I wonder how it went well between them yesterday knowing that they kinda' always fighting. Inilibot ko naman ang tingin sa buong room para mahanap si Arvin pero mukhang wala pa siya. I could at least thank him for taking care of Jin kahit alam niyang magkaaway sila, "anyways, wag mo na akong alalahanin! Anong nangyari sa'yo kahapon at mukhang naging mood ka? Kahit na... nagmukha akong tanga at iniwan ka, sorry".

 Napatawa na lang ako sa sinabi ni Jin, bipolar as always.Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano talaga ang nangyari sakaniya at kung bakit naging ganoon siya but I know that our friendship needs more time. I'll just wait for the time when she's ready to tell me her story. So for now, I'll just tell her mine.

Sasabihin ko na sana sakaniya ang misteryosong nagligtas saakin kahapon nang biglang pumasok na si Ma'am. "Napaka wrong timing talaga palagi" bulong ni Jin at ngumiti saakin sabay balik na sa upuan niya. Si Arvin na dapat katabi ko ay wala pa rin, is he seriously going to absent just because he's the owner of this school?!

"Settle down 11-A, before I start the class I would like to introduce a new student. Please come in" mabilis na tugon ni Ma'am at may pinapasok na estudyante. Its a girl with short black hair with bangs, she smiled with confidence as she step in and looked at us.

The teacher gave her a sign to introduce herself, "hello classmates! My name is Zinnia Shamaine Ferrer, nice to meet you all" masigla niyang bati. Biglang nagtama ang tingin namin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumaas ang lahat ng balahibo ko. Nakaramdam ako ng kaba at takot mula sakaniya pero nawala rin nang kumaway siya saakin na para bang bumabati.

"Hm? May kilala ka ba rito Ms. Ferrer?" tanong ni Ma'am at nakita ko namang lumingon saakin ang iba kong mga kaklase. "Ah, wala po, hindi lang po kasi ako makapaniwala na magkaklase kami ng isang sikat na si Zhamaina Rose de Miles." inosente niyang sagot at nagbulungan ang mga kaklase ko parte nanaman sa kumpanya at pamilya ko. Wala pa bang may nakaka move on sa fact na yan?! And who the hell is she?! She's giving me weird vibes. 

My Mysterious PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon