Both of us were so shocked na nakita na ulit namin ang isa't isa. At first I thought guni-guni ko lang yun na nakikita ko sina sahia pero I guess totoo nga. Andito si Riley meaning andito rin yung pamilya ko. He's a grown up boy na at ang tangkad na niya.
"Riley?" I was already too emotional kasi antagal ko ring hinintay para maging maayos na ako at makita ko na sila.
"Achi, you look so beautiful na." We hugged each other and he was already crying.
"Puntahan natin sina mom." While I was wiping his tears, niyaya niya ako pero pinigilan ko siya bigla.
"Okay lang ba? Hindi ba sila galit sakin?"
"Achi, hinintay ka namin ng napakatagal. Bat naman kami magagalit sayo?" Nagulat ako kasi dirediretso na si Riley nag tatagalog ngayon. Ang tagal na nga yata talaga naming di nagkikita.
"Mom, dad, kuya's, I met two new friends." Riley was holding Lili's hands while walking towards them.
"Aw ang cute naman." Sahia said while taking a picture of them
"Oh, yung parents niya baka hanapin siya bat mo naman kinuha?" My dad said na medyo nag aalala.
"Where's your other friend?" Ahia asked. Nagtatago ako para daw may grand entrance sabi ni Riley. Kaya naman pumasok nalang ako nung tinawag na niya ako.
"Achi." Lumaki ang mga mata nina sahia at di parin makapaniwala sa narinig nila.
Noong palapit na ako sa table nila nag sitayuan na lahat ng kapatid ko at pinuntahan ako para yakapin.
"Shobe? Ikaw na ba yan?!" Tanong ni dihia. Nakapalibot saakin ang pito kong malalaki at matatangkad na mga kapatid. I feel so safe and small, ang tatangkad na nila lahat pati narin yung mga little boys ko.
Habang si mom and dad naman ay nakaupo at umiiyak at di na maka galaw dahil rin sa saya nila na bumalik na ako. Kaya naman tinabihan ko na sila para yakapin at humingi ng tawad.
"Diba I promised you lalaban ako? Andito na ako, nagbabalik sainyo. I'm sorry mom and dad, I'm sorry talaga." I hugged the both of them at wala pa rin masabi si mommy kundi umiyak at paluin ako sa braso.
"Ikaw naman kasing babae ka! Bat mo'ko pinapaiyak." Sabay palo sa braso ko na naging dahilan para tumawa silang lahat.
Sa wakas, na tapos na rin ang iyakan ng bigla nalang mag salita si Lili.
"Mama Shan, what's happening? Why's everyone crying?" Her Australian accent really sounds good. Pero lumaki rin ang mga mata nila ng marinig nila akong tawaging mama nito.
"Mama?" Nagtatakang tanong ni Gelo.
"Yep mama, she's my mama." Lili answered confidently while holding my hand.
"Who's your father?" Bigla namang tinanong ni dihia.
"Daddy Dylan." She happily said that made them look at me in shock.
"What's your full name?" sahia asked.
"Lianne Zobel R. Mendoza, but you can call me Lili for short."
Grabe naman tong pamilya ko dirediretso mga tanong kay Lili. Buti nalang Lili would always smile parin kahit andami ng tanong sakanya.
"Anak mo na to, shobe?" Nagtatakang tanong ni mommy pero halatang halata na kinakabahan siya dahil sa boses nya.
"Hindi po mom, anak siya ni Dylan. Yung mom niya passed away when she was giving birth to her." It made everyone sigh in relief pero nalungkot sa sitwasyon ni Lili.
"Kayo na ni kuya Dylan?" Biglang tanong ni Gelo.
"Nope. Bestfriends parin, pero tinuturi ko na ring anak si Lili. Kaya it's also my responsibility to take care of her." I smiled at them and pinched her cheeks.
BINABASA MO ANG
Shobita | A Rivero Brothers FanFiction
FanfictionWhat happens when the only girl of the Rivero family returns after years of hiding? Will her family be able to accept her again? Book 2 of shobe