"So ganto yun... Nung nasa plane na ako papuntang Australia di ko nalaman na ang katabi ko pala sa plane ay si Dylan. I thought andun lang siya for a vacation pero yun pala he's also there to study because he got a scholarship from the same university I got." Everyone was listening to me including mom and dad.
"I thought nasa States siya pano siya napunta sa Australia?" Tanong ni mommy.
"He applied for a scholarship sa Australia kasi mas maayos daw dun. Sina tito and tita naman nasa States parin and pinupuntahan lang nila si Dylan pag may special occasions." I continued
"To tell you the truth... While I was in Australia I was already suffering from depression right? And then 1 year later I was diagnosed with leukaemia stage 3." Nagulat sila sa narinig nila. Walang gustong umimik at magsalita dahil gusto parin nila ipag patuloy yung kuwento ko.
"Susuko na ako nun eh, my only goal was to go home cured para di ko na kayo maabala pero parang nagkaroon ulit ako ng rason para sumuko. I was tired, tired dahil ang sakit ng mga tinutusok nila sakin, lumulagas na yung buhok ko, basta I was in my worst condition and yung taong nakakita lang nun ay si Dylan and Natalia. Natalia was my friend sa college and she's also the mother of Lili. They both helped me the best way they could, ginawa nila ang lahat para lang gumaling na ako. Gumaling din naman ako which is kinasaya naming tatlo. Noong hindi pa nanganganak si Natalia she told me kung may mangyayari man daw sakanya alagaan ko daw si Lili. Of course ako naman tinawanan ko lang siya kasi bat naman siya mag iisip na may mangyayari sakanya diba? Nabuhay nga si Lili nawala naman si Natalia. Gumuho ang mundo namin lalong lalo na si Dylan. Lili was the reason kung bakit kami sumaya ulit, she was our little ball of sunshine. Kaya para na rin ako naging ina niya for the past four years." I took a deep breath dahil andami pa nitong ikukwento ko pero parang nagiging emosyonal na ako noong kinuwento ko ang nangyari saakin especially kay Natalia.
"Alam ko all of you wanted to contact me so badly, you even went to Australia to see me, right sahia?" Sahia went to Australia because of basketball and also para hanapin ako. I actually saw him sa café kasi I was doing my part-time job that time.
"I know you saw me, pero bakit di mo ko nilapitan?"
"K-kasi you told us na ikaw naman mismo babalik saamin. I respected your decision na gusto mo muna lumayo, pero as your kuya I also wanted to know kung okay ka lang ba. Kaya nung nakita na kita I'm already contented kasi you're fine naman." I was touched sa sinabi niya kasi he doesn't really know how to express his feelings through words. Kaya I'm really thankful I have brothers like them.
"After becoming a doctor my goal was to really go home pero I saw that everyone in the family is having a good life that's why I decided to postpone going back to the Philippines because I also have some things to attend to sa Australia, and I really think I wasn't that prepared to go home yet."
"Really Rics? We might have a good life pero di ka namin kasama we're incomplete." Medyo disappointed na sinabi ni ahia.
"Pero look at where you are right now, ang successful niyo na. I think mas umayos yung buhay niyo nung umalis ako." I smiled at them. Totoo naman kasi kung siguro di ako umalis baka hindi pa ganto kalayo ang narating nila.
"Rics, Successful man kami or hindi ang mas importante ay kumpleto tayo at kasama ka namin." Medyo nainis na si ahia saakin.
"Nasasabi niyo lang yan dahil di niyo nararamdaman yung naramdamn ko noon. Diba you asked me to tell you the truth and how I really feel? Ito yung na fefeel ko for the past 6 years. Mas mabuti na umalis ako kasi kung hindi saan naman ako mapapa gamot? Tapos lagi akong maguguilty and ma kokonsensya because lahat kayo nahihirapan dahil sa akin." Medyo pasigaw ko ng sabi sakanya but I still remained calm, ayaw ko naman na kaka kita lang namin may alitan na kami kaagad.
"Sorry, napagod lang yata ako kanina. Hope you understand, pupunta na po ako kay Lili." Umalis ako while getting my stuffs papunta na sa kwarto. I need to rest first baka kasi pagod lang to tas nailalabas ko pa sa pamilya ko.
***
Hey guys!!!Ano ba yan may alitan na agad eh kakadating palang niya :(
Hope you guys enjoyed this chapter
Thankies!
BINABASA MO ANG
Shobita | A Rivero Brothers FanFiction
FanfictionWhat happens when the only girl of the Rivero family returns after years of hiding? Will her family be able to accept her again? Book 2 of shobe