Wang Yibo as Gabriel
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Aluguryon
AiTenshi
Nov 3, 2019
"Magandang umaga po. Isa akong manunulat sa isang writing flatform sa internet. Nag hahanap po ako ng isang unique na kwento. Kayo po talaga sadya ko dito lolo Gabriel." ang naka ngiting wika ng isang binata noong bumisita ito sa aking bahay.
"At talagang nag byahe ka pa ng malayo para lang marinig ng ang aking kwento. Kayo talagang mga kabataan ng bagong milenya, mapupusok at mahihilig sa adventure." ang naka ngiti kong sagot habang naka upo sa aking silya.
"2019 na po kasi, ang lahat ay nag eexplore para mapunan ang kanilang mga kaluluwa. May dala nga po pala akong mga prutas at kakanin para sa inyo lolo." ang magalang na sagot ng binata dahilan para matawa ako. "Hijo, mukhang hindi na kaya ng pustiso ko ang mga kakaning dala mo. Ako ay 93 anyos na at mahina na rin ang aking panga. Bagamat talagang biniyayaan ako ng malusog na pangangatawan." ang natatawa kong salita.
Tahimik..
Tawanan kami..
"Maiba ako, bakit ang kwento ng isa Aluguryon ang nais mong marinig? Ito ay isang istorya na hindi basta basta niyayakap ng mga kabataan ngayon. Ito ay isang lihim na itinago ko sa aking lumang baul. Kinandado ko at hinubog ng mahabang panahon." ang tanong ko.
"Dahil ang kwento ng isang Aluguryon ay bihira, nais ko itong marinig at maisulat kung inyo mamarapatin." ang sagot niya.
"Ngunit kailangan mong maunawaan na ang kwentong ito ay hindi basta basta nauunawaan ng nakararami. Gayon pa man ay masaya akong maibahagi ito sa isang katulad mo." ang sagot ko at dito ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang siya naman ay nakatingin lamang sa akin at mayroong ningning sa kanyang mga mata. Kasabikan na hindi ko lubos maunawaan.
BINABASA MO ANG
ALUGURYON (BXB 2020)
RomanceAng ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong p...