Aluguryon Part 4

4.5K 279 56
                                    

Cover by: Aiman Ali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: Aiman Ali

******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Aluguryon

AiTenshi

Nov 4, 2019

"Huwag kang mag tatangkang tumakas o dayain ako dahil papatayin ko kayong buong pamilya." ang bulong niya sabay pakita ng isang baril na naka suksok sa kanyang bulsa. "Limang bala ang mayroon ito. Isa sa iyo, dalawa sa inyong uhuging kapatid, isa sa iyong duwag na ama at isa sa iyong kalansay na ina."

Part 4

Kung minsan ay hindi ko gusto ang ulan dahil binubura nito ang lahat ng bakas sa paligid, maging ang kaligayahan ng tao nawawala rin. Ang pinaka magandang parte lamang kapag pumapatak ang mga butil nito ay ang lamig na naidudulot sa katawan ng tao, nag aalis ng init, pagod at pag kahapo.

Umaga noon, ngunit ganoon na lamang ang pag patak ng ulan sa paligid. Kasabay ng buhos nito ay ang sumidhing emosyon ng aking ama. Naramdaman ko nalang na tumama ang kanyang kamay sa aking murang pisngi dahilan para matumba ako sa lupa. Ngunit hawak ko pa rin ang malaking halaga na pinag bilhan ng aking sarili. Totoo naman talaga na ibinenta ko ito, literal iyon. Ginawa ko iyon para sa kanila, para sa aking dalawang kapatid at sa aking ina na halos buto't balat na lamang.

"Bakit ginawa mo iyon? Iniisip mo ba na hindi ko kayang gumawa ng paraan para sa pamilya ko? Na wala akong silbing ama?!" ang galit na sigaw ni itay.

"Wala po akong iniisip na ganoon itay. Natatakot lamang ako na baka magaya sina Jose at Lito sa sinapit ng dalawang kaklaseng namatay dahil sa ganoong karamdaman. Tuwing gabing binabantayan ko sila ay ibayong sakit ang nararamdaman ko dahil nakikita ko silang nag hihirap pero pilit nila itong nilalaban kahit alam kong hinang hina na sila. Si Inay, ilang buwan na rin siyang pinahihirapan ng kanyang sakit pero hindi natin siya magawang dalhin sa maayos na pagamutan dahil walang wala tayo. Para bang hinihintay nalang natin na mamatay sila! Pero hindi itay, lumalaban sila kahit na walang gamot, walang pag kain! Bakit? Dahil gusto nilang mabuhay! Sino ako para ipag kait ang nais nila? Gusto kong makitang lumaki ang mga kapatid ko. Wala akong pangarap sa buhay, wala akong direksyon ang gusto ko lamang ay sumabay sa daloy ng oras. Pero sila? Yung mga kapatid ko ay gustong maging isang guro at doktor. Paano nila matutupad ang kanilang pangarap kung ngayon palang ay niyayakap na sila ni kamatayan?" ang umiiyak kong sagot habang dinadakot ang mga lupa at hindi ko mapigilang ibugso ang aking emosyon.

"Lalong lalala ang sakit nila kapag nalaman nilang ipinag bili mo ang iyong sarili! Ang akala mo ba ay magiging madali ang buhay ng mag isa?"

"Hindi madali ang buhay itay, kahit dito sa atin hindi rin naging madali sa akin. Paki usap, huwag kana magalit sa akin dahil gusto ko lamang makatulong." ang pakiusap ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay bumukas ang pinto at pumasok ang negosyante sa aming bahay. "Times up! Oras na para umalis!" ang wika nito.

ALUGURYON (BXB 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon