Cover by: Lorenz Romasanta
********
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Aluguryon
AiTenshi
Nov 6, 2019
Part 5
Palayo ng palayo ang aking narating, ang bawat lugar na aming daanan ay hindi pamilyar sa akin. Malalaki ang mga bahay sa paligid, ang lahat ay yari sa semento na may magagarbong kulay, malayong malayo sa aming baryo na tanging kawayan at pawid lamang ang nag sisilbing silungan. Halos mag hapon ang byahe sa tren, noong makababa kami dito ay lumipat kami sa isang barko. Literal na malayo nga ang aming pupuntahan dahil kailangan pang tumawid ng karagatan para makarating dito. Habang palayo ng palayo ay mas lalo ko lamang naalala ang aking pamilya, kumain na kaya sila? O maayos kaya ang kanilang lagay? O kung ano ang ginagawa nila? Mga bagay na hindi ko mahanapan ng sagot kaya't wala akong nagawa kundi ang tumingin sa paligid habang naka tayo sa labas ng barko.
Maingay ang uggong nito, para isang halimaw na nag wawala sa kalawakan. Ang alon sa karagatan ay sumasayaw na parang may malakas na musika sa pinaka ilalim nito. Sa kabilang ng lungkot ay natagpuan ko ang isang magandang paraiso sa gitna ng karagatan bagamat umiikot na ang aking paningin dahil sa hilo. Nito ko lang napag tanto na hindi pala ako sanay sumakay ng barko, o dahil baka naman unang beses ko palang makasakay dito? Lumakad ako sa pinaka sulok nito at isiniksik ang aking sarili doon upang mawala ang pag ikot ng aking paligid. Samantalang ang negosyante si Dale naman ay bumubuga nanaman ng tabako habang nag kkwenta ng kanyang salapi. Para bang hindi niya napapasin ang oras kapag hawak niya ang kanyang pang tuos at ang mga pera sa kanyang bag. Ni hindi siya nakakaramdam ng gutom. Siguro ay sapat na ang amoy ng salapi para siya ay mabusog. Ang ilang pirasong tinapay ang nag salba sa akin sa gutom, salamat kay Itay at sa kanyang pabaon.
9 oras ang itinagal namin sa loob ng barko. Muli akong hinawakan ni Dale sa braso at inilabas sa barko. "Nandito na tayo bata. Ito ang pinaka malaking siyudad sa bansa. Ito ang iyong magiging bagong impyerno." ang wika nito sabay tawa ng malakas. Hindi naman ako kumibo, patuloy ko pa ring yakap ang aking mga gamit.
Makalipas ang ilang minuto ay pinaupo niya ako sa isang kainan at hinainan ako ng kanin ang isang ulam na karne. "Kumain kang mabuti. Kailangan mo ng lakas." ang wika nito.
Una kong ininom ang tubig dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. Halos maubos ko ang nasa pitsel pero ganoon pa rin ang aking pakiramdam kaya naman pinilit ko lamanan ang kanin ang aking tiyan. Masarap ang ulam, ngayon lamang ako nakatikim ng ganito, karne ng baboy na may sarsa, matamis at medyo maasim. Ewan, ngunit kapag kumakain ako ng masarap na pag kain ay naalala ko ang aking mga kapatid, sana ay makatikman rin nila ang kinakain ko ngayon. "Mabilisan ang pag kain dito sa siyudad, hindi uso rin ang kumakain na parang nag darasal! Tayo na diyan bata!"
BINABASA MO ANG
ALUGURYON (BXB 2020)
RomanceAng ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong p...