Cover by: feusks
*****
AUTHOR'S NOTE:
Taon taon tuwing sasapit ang pasko ay nag hahandog ako ng isang kwento bilang regalo sa mga kaibigan kong sumusuporta sa akin. Ngayon taon ay inihanda ko ang pinaka espesyal na kwento para sa inyo. Ang totoo nito ay wala naman talaga sa plano ko ang gumawa ng ganitong klaseng akda dahil mayroon talaga akong listahan ng naka line up na story sa mga susunod na buwan at walang Aluguryon doon.
Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero napanaginipan ko lang ito, mula sa titulong "aluguryon", yung pangalan ng tauhan, yung konsepto ay nakita ko na rin sa panaginip ko. Medyo wirdo pero sinunod ko lang talaga yung mga nakita ko at heto na ang kinalabasan.
PS. Huwag nyo na hanapin sa google ang salitang "Aluguryon" dahil inimbento ko lang ito. At halos isang buwan ko lang itong ginawa mula noong November. Kung papansin niyo ang nakalagay na sa cover ay BXB 2020, isinama ko siya sa hanay ng mga ilalabas ko sa 2020 bilang magandang panimula.
***********
Ang ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong pinag basehan sa kwento ito pero hindi ibig sabihin ito ay ginaya ko na lahat. Ito lang aking sariling version ng BXB.
Ito ay kwento ni Gabriel at kung paano niya aabutin ang kanyang pangarap sa kabila ng maraming pag subok na dumarating sa buhay niya. Ang salitang "Aluguryon" ay nag mula sa katagang "Alu" na ang ibig sabihin ay "lalaki" at salitang "Guryon" na ang ibig sabihin ay "saranggola o kite". Ang mga aluguryon raw ay mga lalaking maihahalintulad sa isang saranggolang lumilipad sa kalangitan, malaya, masarap pag masdan at sumasabay sa musika ng hangin. Ito ang konsepto ng isang Aluguryon.
Hindi ito fantasy, walang powers o labanan ng mga Diyos sa kwentong ito. Isa itong seryosong akda na ginawa ko para maiba naman. Dadalhin ko kayo sa pinaka malalim na emosyon, at sigurado ako na sa pag tatapos ng kwento kong ito ay may babago sa takbo ng buhay ninyo. Mag iiwan ito ng inspirasyon at katatagan sa inyong lahat..
Muli..
MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT..
Ai Tenshi
BINABASA MO ANG
ALUGURYON (BXB 2020)
Roman d'amourAng ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong p...