Cover by Rhenz Maraviles
Wang Yibo as Gabriel
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Aluguryon
AiTenshi
Nov 4, 2019
Napalunok ang aking ama. "Ngunit bakit mo kami tinutulungan ginoo? Kung gayong hindi mo kami lubusang kilala."
"Hindi ito tulong. Ito ay kabayaran." ang wika ng lalaki.
"Kabayaran? Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni itay.
"Kabayaran para sa iyong anak na si Gabriel. Nais ko siyang bilhin sa isang malaking halaga." ang naka ngising sagot nito habang naka tingin sa akin.
Part 3
"Sa tingin ko ay malaking halaga na ito lalo't ang halaga ng salapi ay bumababa dahil sa masidhing panlulumo, o Dakilang Depresyon na kilala sa Ingles bilang Great Depression o Depression of the 1930's ito ay ang malawakang krisis na pang-ekonomiyang nagsimula dahil sa Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 sa Estados Unidos, apektado ang ating ekonomiya, bumagsak ang halaga ng pera. Gayon pa man ay batid kong malaking tulong ito para madugtungan ang buhay ng iyong inay at ng dalawa mo pang kapatid." ang wika ng negosyante si Dale
Nanginig sa galit at inis ang aking ama. "Hindi karneng baboy ang aking anak upang ibenta at tawaran mo! Pasensiya na ginoo ngunit nais kong lumabas kana sa aking pamamahay bago pa mag dilim ang aking paningin at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo."
"Mawalang galang na ngunit hindi ko intensiyon na manggulo. Nais ko lamang tumulong sa paraang alam ko lalo't nababasa ko sa mga mata ni Gabriel na nais niyang isalba ang kanyang pamilya. Tama ba ako hijo?" tanong niya.
Hindi ako kumibo at iniiwas ko sa kanya ang aking tingin. "Umalis kana ginoo at layuan ang aking anak."
Tumayo ang lalaki at inayos ang kanyang kurbata. "Hindi ko isinasara ang aking pintuan, maaari kayong lumapit sa akin anumang oras ninyo naisin. Batid kong kakailangan niyo ako." ang wika niya at agad na umalis palabas sa aming bahay. Hindi pa rin nawala ang kanyang kagalang galang na pag kilos, punong puno ng kompiyansa sa kanyang sarili.
Niyakap ako ni itay at ginusot ang aking buhok. "Huwag kang lalapit sa lalaking iyon. Makakaraos rin tayo sa problemang ito." ang wika niya samantalang ako naman ay nakatingin lang sa aking dalawang kapatid na payat na at putla. Kapwa sila nag ttiyaga sa halamang gamot na hindi ko naman alam kung may epekto sa kanilang katawan. Ang aking ina naman ay nag pupumilit na bumangon bagamat hapong hapo na ang kanyang katawan sa matagal na panahong pakikilaban sa sakit.
BINABASA MO ANG
ALUGURYON (BXB 2020)
RomanceAng ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong p...