The Indirect Kiss

3 0 0
                                    

YOHAN POV

We are at the NAIA Airport kaba-baba lang namin sa eroplano. Dumampa sa aking katawan ang malamig na simoy ng hangin. Iba ito sa Seoul naghahalo ang init at lamig sa katawan ko. Sa tingin ko magugustuhan ko ang klima dito. It was 1 am ng nakarating kami mas mabuti na to para kunti na lang ang tao pero nagkamali yata kami kasi kita namin sa loob kung gaanu ka puno ng tao sa labas. Maraming reporters at fans na naghihintay.



"Ok Boys lalabas na tayo. Maraming tao sa labas kaya mag-ingat kayo." sabi ng Manager namin. Isa-isa kaming chineck ng guard. Nang malapit na ako kinuha ko ang phone ko pero wala doon. Hinalungkat ko na pati bag ko wala talaga. Tinitingnan na ako ng iba kung kasama.



"May problema ba Kuya?" tanong ni Dongpyo.
"Wala dito ang phone ko. Naiwan ko yata sa eroplano. I need to get it." sabi ko sa kanila.



Tumingin sa akin ang manager ko.




"Hindi na tayo pwede magtagal dito. Para hindi magkagulo sa labas mauuna na lang kami lumabas at ikaw Yohan papasamahan na lang kita ng dalawang body guard at sa exit na lang kayong lumabas kasi sigurado akong dudumugin kayo. Magkita na lang tayo sa parking lot." dere-deritsong sabi ng manager namin kaya binilisan ko na agad.




Bumalik ako sa loob at mabuti na lang nakita ko agad ang phone ko. Nakaipit iyon sa upuan. Nalaglag siguro nung nakatulog ako. Mabilis din kaming lumabas. Sinuot ko ang mask ko at tinakluban ang ulo ko ng hood. Nakakulay Blue ako ngayon na hooded jacket.

 Nakakulay Blue ako ngayon na hooded jacket

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mabuti na lang ganito suot ko para di ako mahalata. Sa kabilang exit kami dadaan at walang masyadong tao dun unlike sa kabila kung saan lumabas ang iba kong kasama.


I was walking na parang normal lang na turista. Narinig ko pa nga yung ibang tao na nadadaanan ko na hinahanap nila ako. Bakit daw hindi pa ako nakalabas. Mabuti na lang pala dito ako dumaan. Patuloy lang kami sa paglalakad pero mukhang minamalas ako ngayon. Kahit kasi ang layo ko na may nakakita pa rin sa akin na mga fans. Nung una mukhang nagdududa pa sila pero kalaunan tumatakbo na sila palapit sa akin. Binilisan ko na rin ang paglalakad ng may napatid akong hagdanan.



Nalaglag ang tao na nasa taas nito mabuti na lang nasalo ko ito pero dahil may bitbit akong bag at medyo mabigat din siya kaya na out balance kaming dalawa. Biglang tumahimik ang buong paligid pati fans na sumisigaw natahimik rin. Lumaki ang mata ko sa posisyon ngayon namin. Nakahiga ako ngayon sa sahig at nasa taas ko ang babaeng nalaglag sa hagdanan. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Titig na titig siya sa mata ko ganun din ako sa kanya.



The Secret Life Of A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon