I'm Inlove

2 0 0
                                    


I woke up na masakit ang paa ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Yohan and the Kiss. Its so unreal na nangyari yun but it felt so good. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Today is Saturday kaya wala akong trabaho. Syempre kailangan ko rin magpahinga. Umupo ako sa couch and turn on the TV. Nagpadala ako ng paborito kung drink tinatamad pa kasi akong kumain.


I change the channel sa paborito kung news channel.

"BREAKING NEWS"

KIM YO HAN X1 MEMBER AND THE GIRL IN BLACK.

Reporter: Anu po ba ang nangyari?

Girl: Hinihintay namin si oppa lumabas ng nakita siya namin tumakbo kami sa kanya tapos yung babaeng nakaitim sinadyang magpalaglag sa oppa namin tapos hinalikan niya pa ito. MALANDI SIYA.

Reporter: Nakita niyo ba ang mukha ng babae?

Girl: Hindi po pero kung sino man siya MAMATAY sana siya. Ang DESPERADA niya. Kung ONE IT man siya nakakahiya siya.

***********

What the? Anu raw MALANDI, DESPERADA at sana MAMATAY na ako? Hindi ko naman yun sinasadya auh. It was an accident for God sake.

Nagagalit ako sa mga tao not knowing the story behind pero kung maka pag judge wagas. Pero mas galit ako sa sarili ko kasi hinayaan kong mangyari ito. Mabilis kung binuksan ang social media ko at lahat yun top trending ang tungkol sa nangyari kagabi. Ang bilis kumalat. Pati International Fans alam na at lahat sila galit sa girl at ikinahihiya ito.


Tama nga si L nagkakagulo na ang lahat. Ok lang sana kung ako lang apektado pero pati si Yohan apektado sa issue na to. Elle anung ginawa mo!!!

I need to do something. Kinuha ko ang phone.


"Jenny I need you to stop all this news about sa kay Yohan at sa babaeng nakaitim. Block all the sites. Gawin niyo lahat na hindi na ito kumalat pa."


"Yes po Ms. Elle. We will do everything." mabuti na lang alam ni Jenny ang pagiging fangirl ko kaya natutulungan niya ako.



"Just please dont let my lolo know. Thank you" I hang up the call. Huminga ako ng malalim.


Hindi naman nila ako makikilala kasi nakaitim ako at covered lahat ng katawan ko kaya dapat hindi ako mataranta at matakot. Pero dapat may gawin din ako.



L POV

When I heard the news mabilis akong pumunta kina Elle. Malamang natataranta na yun. Hindi nga ako nagkamali. Mabilis kumalat ang balita and whats worse is that nagbali-baliktad na ang istorya. Elle is on the negative side. Humingi na rin ako ng tulong sa mga kilala ko sa showbiz na gawan ng paraan para wag na kumalat or magpalabas ng statement na it was an accident.


Nang makarating ako sa bahay nila. Pumasok agad ako at nakita ko si Manang Lourdes. Tinuro niya ang kwarto ni Elle. Alam na rin siguro ni Manang. Umakyat na ako sa taas. Hindi na ako kumatok kasi alam ko umiiyak ito or natataranta na. Pero mukhang ako ang nagulat sa nakita ko.


She was sitting there watching television comfortably at nakikinig pa talaga ng Music Video ng X1 at kumakain ng popcorn. Hindi niya pa ba nakikita ang balita? Pero impossible naman. It was all over the news.



I walked inside. Tiningnan niya lang ako at balik nuod sa TV. Pumunta ako sa gitna at pinatay ang TV.


"What are you doing?" angal niya sa ginawa ko.


"What am I doing? I should be the one asking you that. Hindi mo ba nakita ang balita? Your all over the news and social media. Top trending ka pa." sabi ko sa kanya.



The Secret Life Of A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon