CH 2 - Jealous

229 5 0
                                    


Francine's P.O.V

*<3 MY ONLY HAPPY PILL<3*

- Hahahahaha! 

Ay sungit neto.

Ano ba gusto mo?

Iba yung gagapangin ko at hindi ikaw?

Pumili ka lang Hon??

- WAG!! AKO LANG! Tangina naman oh!

- Wag na sa iba.

- By the way, punta ako sa inyo. Bihis lang ako ah.

- Later on baby! 

Bilisan mo ah, may bisita akong magandang
babae dito. Baka maunahan ka. 

- What the heck! Wait lang! Wag mo munang

papasukin, ako muna! 

- I'm on my way na!

HAHAHAHA! joke lang, bilis na! 


*End of conversation*


Agad naman akong nagtungo sa banyo para maligo, pagkatapos ko nagbihis na agad ako at bumaba na, at nag tungo sa kusina upang magluto. 15 mins, agad namang may kumatok sa pintuan at alam kong si Bly yun. 

"Wait! Just a second, bly! Masusunog niluto ko!" sinyas ko sa kanya. 

Nagtaka ako ba't parang walang boses ni bly, eh tinatawag niya naman yung name ko pag kumatok siya. Pagkatapos kong magluto, agad kong pinag-buksan si bly ng pinto. Nakita kong nakaupo lang ito sa may sahig. 

"Hon, sorry late kitang pinag-buksan, nagluto pa kasi ako ng pang-breakfast na----" naputol ang sasabihin ko sa kanya nang namalayan kong hindi pala si Blythe. 


Wait...

Kung hindi ito si Bly???

Eh sino to?!

No...



No...



Please...



Puta! Hindi 'to pwede!



Magagalit si Bly, pag may kasama akong iba na 'di niya gustong makita.



Bago pa ako makapag-salita ay bigla itong lumingon sa'kin na naka-ngiti at tumayo ito sa kinauupuan niya.


"Chin? Good morning! Miss me?" ngiti niyang tanong sa'kin. 

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya, at nakatayo lang ako sa kinaroroonan ko ngayon. Dapat ko ba siyang paalisin bago dumating si bly or papatuluyin ko ito. Honestly, hindi alam ni bly na may bisita ako. 

"Ano bang ginagawa mo dito? ha?" nakapamewang kong tanong sa kanya. 

Natawa muna ito bago magsalita. 

"My gosh naman Chin, hindi mo ba ako na-miss?? Balita ko kayo na ni Ms. Andrea? Tama ba?" sabi niya na naka seryosong mukha.

"Eh ano naman ngayon kung kami na? Why? May problema ka ba?" diretso kong sagot sa kanya.

Napapikit na lang siya sa kanyang mga mata at tumitig ulit ito. Ramdam ko ang pag seselos niya samin ni bly. Yung totoo talaga, matagal ko nang gusto si bly, kaya hindi nagtagal agad ko namang inamin ito sa kanya na gusto ko siya, so, ayun naging kami na mag 2 yrs na nga kami next month.


"Isabela, makaka-alis ka na." sabi ko sa kanya.

Tatalikod na sana ako at papasok na sa loob, bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Lumingon ako  sa kanya at binigyan siya nang isang masamang tingin na galing sakin.

"Isabela! Bitawan m---" naputol na naman yung sasabihin ko sa kanya. 


Ang sunod niyang ginawa ay hinila ako at napayakap sa kanya. 

"Please chin, iwan mo na siya. Sa'kin ka na lang." mahinang sabi niya sakin. 

Wala na akong ibang magawa kundi manigas na lang sa ginawa niya. Gusto kong kumawala sa yakap niya pero parang ayaw ata ng katawan ko na lumayo sa mahigpit niyang yakap. Mahal ko si bly, at hinding-hindi ko yun gagawin sa kanya. Ako ang umamin sa kanya, ayaw kong basagin yung mga pangakong sinabi ko sa kanya. 

Hindi kompleto ang araw ko pag hindi ko makikita yung mala-anghel niyang ngiti. 

"Siya lang yung gusto ko Isabela, at hindi ikaw yun. Sana palayain mo na ako, inamin mo sakin dati na gusto mo ako pero----" 

Nahuli kami ni Blythe na magkayakap ni Isabela, ang babaeng ayaw na ayaw niya.

"Bly?" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si bly sa harapan na galit-na-galit.

Agad namang akong kumalas sa pagkayakap ni Isabela sakin, kitang-kita sa dalawang mata ko ang galit sa mukha ni Bly. Hindi ko na alam kung anong gagawin at kung anong sasabihin sa kanya. Mali yung nakita niya, at ayaw kong isipin na trinaydor ko siya. Agad namang umalis si bly at nagmamadaling maglakad palayo sakin. 

"BLY!! WAIT! LET ME EXPLAIN!!" habol ko sa kanya. 

"Hon! Please wait!" tawag ko sa ulit habang hinahabol ko siya. 

Hahabulin ko sana siya pero, bigla akong pinigilan ni Isabela. 

"Wag muna habulin, hayaan mo na si bly." sabi nito sakin. 


Biglang nanikip yung puso ko sa sinabi niya sa akin. 

"Then, hihiwalayan ka na ni bly. Hindi ka na niya patatawarin." ngiting sabi niya at agad naman akong nainis. Eh sino ba namang hindi?


Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sakin at hinabol na si bly. Hindi naman siya masyadong nakalayo at nahawakan ko kaagad ang kanyang kamay, dahilan sa pag hinto sa kanyang paglalakad. 







A/N: Hanggang dito muna tayo, haba na kasi tapos kakain pa ako. 
Take note: Late update! Bye!

Enjoy...


My First Kiss (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon