Nagising ako nang matamaan ng sikat ng araw ang aking mata at bumangon ako. At pagbangon ko biglang bumukas ang pinto
"P-prisesa b-blake" hinihingal na sabi ni ruel parang may humahabol sa kaniya.
"Pumunta na tayo sa mga 'garda' para protektahan ikaw".
"Huh?..wait ano ba ang nangyayari?".
"Mamaya ko nalang ipaliwanag" lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay at lumipad nalang kami para mas madali.
Pagkarating namin kung saan ang mga 'garda' nakita ko ang aking kapatid
At ang ganda niya meron siyang suot na 'Gold armor and gold sword' namangha ako sa kanya
Kahit kapatid ko siya.
"Ate!" Tawag ko sakanya at tumingin siya saakin."Blake!" Lumapit siya saakin at niyakap niya ako "kamusta?..tumaas kana ha?" Pabiro niyang sabi.
"Okay lang ako. Ikaw?" Balik kung tanong.
"Ayos lang" sagot niya
"Gumanda kana ate" pagbibiro ko.
"Hindi ba ako maganda noon" may halong pagtatampo.
"Maganda naman pero mas gumanda ka ngayon" at siya ngumiti ng napakatamis.
"Ate?" Kuha ko sa kanyang atensiyon.
"Hmm?" Tugon niya.
"Ano pala ang nangyayari?"
Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha at sumagot "may mga kalaban na sumugod dito"
"Kung ganoon saan sila?" Tanong ko
"Nandoon sila sa harapan naglalaban" parang nakita niya ang pag-aalala sa mukha ko "Wag kang mag alala okay lang si Dad"
Tumango lang ako.
"Veina!" Napatingin kaming dalawa sa tumawag sa pangalan ng aking kapatid.
"Oh brik"
"Kailangan ka daw doon sa harapan sabi ng ama mo"
"Sige mauna kana susunod na lang ako" tumango lang si brik at naglakad.
"Umm..blake parang hindi na tayo mag-uusap ulit"
"Mag-uusap pa tayo ate wag kang magbiro" tumawa lang siya.
"Oo naman bunso mag-uusap at magkikita pa tayo"
"Promise?" Pangungulit ko sa kanya
Tumango siya "Oo promise"
"Okay. Nagtitiwala ako sa iyo" ngitian lang niya ako
"Sige pupunta na ako" ngitian lang niya ako at nagsimula ng maglakad.
"Ingat!" Pahabol ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngitian niya lang ako.
Lumipas ang ilang minuto may biglang sumabog.
Namilog ang mata ko ng makita ko na may mga kalaban na paparating sa amin.
At naging alerto ang mga 'garda' at naging alerto din ako.
Nang makalapit ang mga kalaban sa amin sumugod ang unang bahagi ng mga 'garda' para patayin ang mga nasa unahang kalaban.
Namangha ako dahil ang galing galing nila.
Nang padami dami na ang kalaban sunod na sumugod ang ikalawang at ikatlong bahagi ng 'garda' at sumugod sa mga bagong dating na kalaban.
"Prisesa blake aalis na tayo dito baka madamay pa tayo" tumingin ako kung nasaan galing iyon.
"Saan naman tayo pupunta ruel?" Tanong ko sa kanya "at puno nang kalaban ang palasyo?".
"Pinasabi nang iyong ama na kapag may labanan mangyayari dito pupunta daw tayo sa kaniya" sagot niya saakin.
"Ahhh..sige.." lumapit siya saakin at hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumipad.
Pagdating ko sa aking ama namilog ang aking mata at namumutla dahil nakita ko ang aking ama at kapatid na naka handusay sa sahig.
"Dad!,Ate!" Sigaw ko at nagmadali akong bumaba sa himpapawid at pinuntahan ko silang dalawa.
BINABASA MO ANG
THE LAST ANGEL
FantasiFantacy,Love,Action,Romance Tagalog w/ english First book ko🥴