CHAPTER 6

298 6 2
                                        

Habang naglalakad kami ni valec kinabahan ako kasi ngayon ko na malaman ang totoo malalaman ko kung bakit hinahabol ako ni stefan.

Pagkarating namin sa pintuan ay agad na binuksan ng mga garda ang malaking pintuan at namangha ako sa ganda napakalayo ng agwat ng floor at roof merong malaking haliga sa daanan at sa gitna merong throne na napakaganda at may babae na nakaupo na naghahawak orbs na lumulutang sa kaniyang kamay at tinignan ko ang babae at ang ganda niya meron siyang apat na pakpak at white siya lahat except sa silver na corona sa kaniyang ulo.

"Oh hi blake" sabi ng magandang babae.

"H-hi din po s-sino po kayo" tanong ko sa kaniya.

"Ohh ako pala si orden" at bumaba siya sa throne niya at niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Alam kung naguguluhan ka sa lahat na nangyayari" sabay wala niya sa yakap "pero ngayon hindi kana maguguluhan dahil ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat"

"Please ipaliwang mo ang lahat please" tumango siya at dinala niya ako sa isang silid na napakanda pero hindi ko na pinalibot ang paningin kasi sabik akong malaman ang totoo at pinaupo niya ako.

"Naalala mo ba na may biglang sasalita sa utak mo?" Tumango lang ako "ako yun dahil gusto kung sabihin sayo ang totoo pero pinigilan ako ng ama mo naalala mo bang sinabi ko sayo na wag mong sabihin sa iyong ama ang nangyari" tumagon lang ako "dahil kung malaman niya na kinausap kita mawawalan tayo ng connection sa isa't isa dahil alam na niya kung ano ang sasabihin ko sa iyo".

"Pero nung sinugod kayo ng mga kalaban doon lang niya gusto na malaman mo ang totoo pero wala na siyang oras para sabihin sayo yun. Nung oras na sinugod kayo sinabihan niya ako non at gusto kung tumulong pero pinigilan niya ako dahil sabi niya mamamatay daw lahat ng mga warriors ko kasi malakas daw ang kalaban at nandon din si stefan at pumayag ako at sinabi niya saakin na konin ko daw ikaw at sinonod ko ang sinabi niya at pinapunta ko si valec".

"S-sino po si s-stefana?" Tanong ko sa kaniya.

"Ahh si stefan siya ang naghahari sa ating kalaban ngayon siya ang nagiisang anak nina valentino at corosata at si stefran siya ang pure demon siya lang ang makakaform ng dragon sa kanila kaya hanggang ngayon siya parin ang hari kasi walang makakatalo sa kaniya" sabi niya saakin.

"Yung sinabi mo saakin n-na kaylangan ko ng ilabas ang k-kapangyarihan ko a-ano yun?" Tanong ko sa kaniya dahil na cucurious ako bakit kailangan ko ilabas ang kapangyarihan ko meron naman ako?.

"Ahh yun kailangan mo ilabas ang kapangyarihan mo na time na yun kasi tinignan ko ang prophecy ulit na merong mangyayaring labanan at sinabi sa prophecy na merong isang angel na mag sisimulang mag training at kinamusta kita sa iyong ama kung magsisimula ka na bang mag iinsayo at sinabi niya oo magsisimula ka na at don nalaman ko na merong labanan ang mangyayari kaya sinabihan kita na kailangan munang ilabas ang kapangyarihan mo para protektahan ang inyong palasyo pero sa nakikita ko parang hindi ka pa handa". Naguguluhan na ako bakit ako mahina naman ako.

"Alam kung naguguluhan ka at mula bukas mag iinsayo ka kasama si valec para malabas muna ang kapangyarihan mo" sabi niya pero naguguluhan parin ako.

"Bakit k-kilangan ko ilabas ang kapangyarihan ko?" Tanong ko.

"Because you're the last pure angel ikaw lang ang makakatalo kay stefan" sabi niya sa akin na lumaki ang anking mata.

Ako ako na mahina ako pala ang tatalo na pinakapangyarihan nilalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LAST ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon