Nanubig ang aking mga mata dahil sa nangyari kay Dad at Ate
Hanggang sa tumulo na ang mga luha ko.
"B-b-bl-lake?" Gumising ang aking Ama at Tinignan ko ang aking ama na sapilitang tinatawag ang aking pangalan at tumulo nanaman aking mga luha "U-umal-lis k-kana" naguguluhan ako sa kanyang sinabi "A-al-lam na n-niya" hindi ko maintindihan ang sinasabi ng aking Ama.
"D-dad a-anong alam na niya?" nauutal kung sabi sa kaniya
"I-itatanong m-munalang k-kay" hinihingal niyang sabi "O-orden" naguguluhan ako sa lkaniyang sinasabi.
"Sino siya...s-saan ko siya makikita?" Tanong ko sa kaniya kahit naguguluhan ako at hindi pa nag si-sink in sa isip ko ang mga sinasabi niya.
"Makikita m-mo siya sa--" bigla kaming may naramdamang malakas na presensiya at alam kung naramdaman din iyon ng aking ama.
"T-tumakbo kana blake bilisan mo!" Sabi niya na pasigaw sa akin.
Naiiyak ako habang tumatayo at lumakad. Tinignan ko ang aking Ama at si Ate na si ate na walang malay.
"Wag siya ang kakalabanin mo Stefan!" Sigaw niya kay stefan daw ang pangalan dahil siya ay nakatingin sa akin
Tinignan ko si stefan na may pakpak na sobrang lapad at laki na may kulay itim at pula. at napakataas niya at may sungay na parang dalawang mitro ang haba.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Blake" tumingin ako sa aking Ama "tumakbo kana!" Sigaw niya saakin na may bahid nang takot.
Tumakbo muna ako bago lumipad.
Habang nasa himpapawid ako naiisip ko kung ano ang nangyayari kina Ate at Dad.
Sana hindi tutuo ang aking hinala sa kanila na baka pata--
Bigla akong nakaramdam ng malakas na presensya tumingin ako sa likod kung saan malakas ang presensiya pagtingin ko bigla akong nakaramdam ng takot.
"So ikaw ang anak ng haring walang kalabanlaban?" biglang nanubig ang aking mata ng marinig ko ang sinabi sa akin ni Stefan.
"Ngayon ikaw na ang isusunod ko" at bigla niya akong inatake napapikit nalang ako pero dumaan ang ilang minuto wala akong naramdamang sakit at dahandahan kung ibinuka ang aking mata nagulat ako ng nasa harapan kuna si Ruel na sinaksak ni Stefan.
"P-rinces-sa b-blake u-um-malis kana" sabi niya na parang wala siyang pakialam na mawalan ng buhay ngayon.
"Ohh" sabi ni stefan.
Tumulo ang isang butil ng luha ko at sa sandali na iyon nakaramdam ako ng init sa aking katawan at biglang umilaw ang aking pakpak at katawan ko dahilan para mabitawan niya si Ruel.
Nakaramdam ako ng paghihina.
"You're not ready blake" may nagsasalita sa aking isipan
Not ready? Sabi ko saaking isipan nagdilim bigla ang aking paningin pero bago ako nawalan ng malay.
"You're paying for this kid!" Sabi ni stefan at nawalan ako ng balanse dahilan para malaglag ako sa himapapawid pero bago ako malaglag sa lupa may sumalo sa akin.
"This is a second time that i save you" second time? Sabi ko sa aking isip. So ang ibig sabihin ang sumasalo sa akin ngayon ay walang iba kung di si...Valec.