CHAPTER 2

367 5 0
                                    

"Arg!" Natamaan ako sa kanyang buntot.at uminit ang aking kamay dahil sa binuong kung apoy na tumama sa kanyang buntot.

At natamaan siya dahilan para mawalan ng kontrol.pero nagsisi ako sa aking ginawa dahil biglang  pumula ang kanyang lalamunan at may lumabas na apoy.

Buti naman naiwasan ko iyon

Humihingal ako habang iniiwasan ko ang kanyang pag- atake

'This is gonna be end' sabi ko sa aking isip at bumuo ng mahika pero kapag gagamitin ko ang mahikang iyon mawawalan ako ng lakas at mahihimatay

Pero susubukan ko mas mabuting mahihimatay ako kaysa masaktan pa ako

"Lombosè dejęū vu ńãivè" pagkasabi ko non parang kinuha ang aking buong lakas at dumilim ang aking paningin pero pag tingin ko sa 'ollphést' wala na akong nakita. Pagkatapus Bigla nalang akong nawalan ng malay.

NAGISING NALANG AKO ng maramdaman ang sakit ng aking katawan at kaagad ko pinalibut ang aking tingin sa silid napabuntong hininga ako ng nandito ako sa sarili kung silid.

Naalala ko ang nangyari na bigla akong nawalan ng malay habang nagsasanay.

Pero sino ang kumuha saakin doon?.

Bumukas ang pinto ng aking silid at tumingin ako kung sino iyon.

"Prinsesa blake magandang umaga"
Bati niya saakin

"Oh ruel"

"Pumunta ako dito dahil inutusan ako ng iyong ama na kamustahin ka"

"Umm..sino ang nagdala saakin dito?" Pag iiba ko ang tanong.

"Si Valec ang nagdala dito sa loob ng silid mo mahal na prinsesa"hmmm.. Valec hindi ko pa narig ang kaniyang pangalan.

"Okay kalang ba mahal na prinsesa blake?" Tanong niya.

"Okay lang" tumango lang siya at lumapit saakin at binigyan ako ng 'chevon' chevon ang tawag namin sa gamot.

Kinuha ko ang 'chevon' at ininum

"Sige prinsesa blake mauna na ako"

"Salamat"tumango lang siya at naglakad palabas saaking silid

Bumuntong hininga ako at humiga sa kama.

Ilang minuto akong humiga.

"Blake.."

Nagulat ako at napabangun sa kama at tumingin sa pinto pero wala namang tao.

Huh? sinong bumanggit sa aking pangalan?

"Blake"

Oh my gud!

"Blake kailangan mong magsasanay ng magsanay" nakatingin lang ako saka walan dahil may boses na bumubulong sa akin.

"Alam kung naguguluhan ka pero kailangan mo ng ilabas ang iyong kapangyarihan"

Naguguluhan parin ako pero nagawa ko parin magtanong.

"S-sino ka..at anong sabi mo na kailangan ko nang ilabas ang aking kapangyarihan?" Bumuntong hininga ako bago nagtanong ulit"At meron naman akong kapangyarihan?".

"Sundin mo nalang ang sabi ko..balang araw magpapaliwanag ako saiyo. Pero hindi pa ngayon"

Naguguluhan parin ako sa kaniyang mga sinabi "P-paano ko susundin ang iyong mga sinabi kung hindi ka naman nagpapakilala?" Pero kalaunan parang nawala ang kanyang presensya.

Bumuntong hininga nalang ako at bumangon sa kama para sabihin sa aking ama ang nang yari akmang bubuksan ko na ang pinto pero..

"Wag mong sabihin sa iyong ama ang nangyari" nagulat ako sa biglang pagsalita nanaman niya sa akin.

"Kapag sabihin mo ang nangyari sa iyo" nagulat parin ako sa pag salita niya na bigla-bigla sa akin "Kahit ang ama mo ay malalaman ang nangyari sa iyo pati siya ay madadamay" naguguluhan ako sa kaniyang sinabi

"Huh? madadamay siya" at nawala nanaman ang kaniyang presensya.

THE LAST ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon