Chapter 25

1.1K 20 0
                                    

Naramdaman kong merong tumatapik sa mukha ko, more likely sampal dahil ang lakas niya. Ang lakas ng impact kaya nagising ako ng tuluyan.

Puting kisame, malilinaw na ilaw, isang billiard table na may naglalaro at mga lalaking mga naka-sigarilyo ang bumungad saakin. Nasaan ako? At sino sila?

Marahas na hinawakan nung lalaking sumasampal saakin kanina yung mukha ko at tinignan bawat kanto nito. Pagkatapos tignan, marahas din niyang binitawan yung mukha ko at lumapit sa kaibigan niyang isa.

Sunod kong hinanap si Vince. Nakita ko siya sa may bandang likod ko. Gigisingin ko dapat siya kaso nakatali pala yung mga kamay namin. Sinubukan ko nalang lumapit sakanya sa kahit anong paraan.

Hinawi ko yung buhok niya at kitang-kita yung mga sugat niya sa mukha. Kumikirot yung puso kong makita na ganito yung kalagayan niya. Wala akong ibang nagawa kundi ihiga yung ulo ko sa balikat niya.

"Jan" umayos ako ng pagkakaupo at humarap sakanya. Tinulungan ko din siyang makaupo ng maayos. "Okay ka na ba? Meron sugat kang sa noo Jan"

Gusto kong umiyak ngayon. Nagawa pa niyang magalala sa kapiranggot na sugat ko sa kabila ng mas malaki at mas madami niyang sugat sa noo. Di ba niya alam na mas nag-aalala ako sakanya?

"Aalis tayo dito Vince. Hihingi tayo ng tulong okay? Makakaalis tayo dito" magkahawak kami ng kamay.

Unti-unting bumagsak ulo niya sa braso ko. Hinawakan ko lang kamay niya saka tumingin sa mga lalaking nakatayo sa malayo.

Nagtatawanan at nag-uusap yung mga lalaking dumukot saamin. Agaw pansin yung isang lalaki na may hawak na phone dahil mas siryoso siya kumpara sa ibang mga lalaki na nandito.

Sinenyasan niya yung mga lalaki na manahimik dahil meron siyang dinadial na number at niloudspeaker pa niya 'to.

"Gago ka Jeff! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Bungad sakanya ng kausap niya.

Boses ni Kuya Janus ko 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga 'yon! Totoo nang buhay si kuya. Pero paano nangyari 'yon?

Tumawa ng nakakaloko yung Jeff daw na may hawak ng phone at tumingin sa gawi namin ni Vince. Lalong napahigpit yung hawak ko sa kamay ni Vince.

He smirked at me. "Di ko alam na maganda pala talaga lahi niyo Jam. Hahaha kung ako sainyo binibilisan niyo ang rescue bago ako may magawa sa kapatid mo?"

Jam? Hindi naman Jam yung pangalan ni kuya. Naguguluhan ako. Ano bang meron sakanila? Anong problema nila sa kuya ko? Kinakabahan na ako.

Matagal bago nakapag-salita yung nasa kabilang linya.

"Mr. Jefferson, don't you ever try to mess with that kid" boses ng isang babae at malamig ang pagkakasabi niya.

Living With A ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon