Chapter 22

1.2K 35 0
                                    

-JANNISE'S POINT OF VIEW-

Kaninang madaling-araw nagising ako at buong akala ko hindi dito dumeretso si Vince. Pero naabutan ko siyang mahimbing ang tulog sa may sofa kaya bumalik muna ako sa tulog.

Pangalawang gising ko, bandang 7:30 ng umaga, wala na siya sa sofa. Tumakbo ako pabalas ng kwarto at tinawag ang pinaka-malapit na maid para magtanong kung nasaan si Vince.

"Nasa kusina po siya madame, umiinom ng kape" sagot saakin nung maid.

Buti naman at nandyan pa siya. Bumalik ako sa kwarto at naligo. Nagbihis ako saka naisipang bumaba para kumain ng breakfast.

Kunwari wala siya at dinaanan lang sabay kuha ng pagkain. Tingin niya papansinin ko siya o babatiin ng goodmorning? Ha! Asa pa siya! Hindi ko padin siya bati.

"Bakit naka-shorts ka lang? Hindi ka ba papasok?" tanong niya.

"Pake mo? May iba akong appointment ngayong araw, hindi ako papasok"

Tumayo siya at humigop sa kape niya. Tss, feel at home talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan. "Siryoso ako Jannise"

Napalunok ako bigla. Bakit pag tinatawag niya akong Jannise kinakabahan ako? Yung tono pa ng boses niya nakakatakot. For the first time in forever, nakaramdam ako ng takot kay Vince.

Inirapan ko lang siya. Bakit naman ako matatakot kay Vince? Siya lang naman 'yan.

Nadismaya ako kasi bigla siyang umalis ng kusina. Binilisan ko yung pagkain at uminom ng tubig at sinunadan siya ng tingin. Paakyat siya ngayon sa second floor. Kaso bigla siyang tumigil at tumalikod sa gawi ko.

Geez, para akong tanga dito na nakasilip sakanya. "Hehehe what?"

"Kaninong kwarto nga pala yung nasa tapat ng kwarto mo?" tanong niya at tinuro yung taas.

"Kay Kuya Janus bakit?"

Tumango-tango siya at dahan-dahang naglakad pataas ng hagdan. Malapit na siya sa tuktok nang bigla na naman siyang tumigil. "Pwede ko bang hiramin muna damit ng kuya mo?"

"S-Sure!"

Tinapos ko yung kinakain ko kanina at pumunta sa salas para manuod ng TV. Tumambay ako saglit sa HBO habang hinihintay na may mangyari saakin ngayong araw.

Wala pang 15 minutes, merong tumawag sa phone ko. Pero hindi ko pinansin dahil alam kong dahil sa trabaho 'yon. Nang matahimik yung phone ko, tinext ko si Harvey na magle-leave kami ni Vince pero hindi ko sinabi kung hanggang kelan.

Sinilip ko si Vince sa kwarto pero wala siya. Baka di pa siya tapos maligo. Lumabas ako ng kwarto at sakto naman na may lumabas sa kwarto ni kuya.

Living With A ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon