Chapter 16

1.5K 27 0
                                    

Happy happy 13k na ba? Hahahaha lol tama pala. Ang galing-galing, 13K na pero silent padin kayo, kaiyak. Jk. Bali ang update ko po ay kapag nag-exceed sa 1k ang reads natin. Pag nag-14K na dun ako magu-update. Arasso? Thank you for reading this! Sana magustuhan niyo yung update kasi ako gustong-gusto ko 'tong update na ''to. XD

***

Ngayon na yung araw ng pag-alis ko dito sa office na ‘to. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga tao na nakita kong tapat saakin at mahal na mahal ako. In return, aalagaan ko sila ng higit pa sa naibigay nila saakin.

“Lagi kang tatawag saamin ha?”

 

“Mamimiss ka naming Nicole”

Everybody gave me hug.  Except for David.

Tahimik lang siyang nakadungaw sa bintana at nakatingin sa labas. Kanina pa siyang ganyan. Hindi ko alam kung anong problema. Bago kami umuwi galing sa bakasyon, masaya pa naman sya eh. Hindi ko alam kung bakit ngayon parang hindi siya masaya.

Meron kayang nangyari sakanya na hindi ko alam?

“Uy girl, yung bestfriend mo mukhang nagtatampo ah” sabi sakin ni Eva.

Nagawi na naman ako ng tingin kay David. “Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya”

Tinulungan nila akong ligpitin yung mga gamit ko dito sa office. Binigyan nila ako ng kanya-kanyang remembrance. Merong sariling gawa na bracelets and accessories, merong scrapbook ng mga company outing namin at iba pa. Meron pa ngang nagbigay ng picture niya saakin eh.

Nakita ko si Manager Rye na nakangiting pinapanuod ang pamamaalam nila saakin. Bakit kaya siya naka-ngiti? Masaya ba siyang mawawala na ako sa paningin niya? Tss.

“See you soon guys,” sabi ko. “Remember that… whatever happens next… There will always be a reason behind it”

Nakita kong kumunot-noo nila dahil sa sinabi ko. I chuckled. I’m hoping they would understand.

“You’re not going anywhere Nicole,” napatingin kami sa pumasok na si Chanelle. Lahat kami napatingin sakanya. “Do you mind explaining this?”

May pinakita siyang picture saamin. At lahat ng tao nanlaki ang mata dahil sa nakita nila sa picture.

“Since I am under the financial management, alam ko lahat ng takbo ng pera. And recently, nawalan ng pera ang kumpanya na worth 500,000 Php. Nakuha ‘yang picture two days bago mangyari ang nakawan. Kitang-kita sa picture na binibigay sayo ng isang financial staff yung check na ‘yan. Hindi ba’t matibay nang pruwebang ikaw ang kumuha ng half a million cash sa kumpanya?”

How did that happen?

“As an acting financial manager, I cannot allow you to leave this company. Tamang-tama, magkakaroon ng board meeting sa Monday,” lumapit si Chanelle sa akin. “See you there Nicole”

Living With A ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon