Chapter 2

4.1K 58 5
                                    

Ayan! Hindi na siya nakaprivate! Yehey!!!!!! Hihihi labyu guys!! Thank you for reading this!~

***

Pumunta ako sa tapat ng tindahan na nakita ko kanina. Bukod sa itatanong ko kung may payphone siya, nauuhaw na ako. Maling-mali talaga na hindi ko dinala yung kotse ko eh. Oo na, super tanga ko na para hindi gawin 'yon. Kasalanan ko bang gusto kong ma-try ang mag-commute? Nakakainis!

Nang makarating ako sa tapat nito agad kong nilibot yung mata ko kung anong pwedeng bilhin. Pero nanlaki yung mga mata ko nang makita ko yung mga binebenta niya.

"Anong maipaglilingkod ko sayo miss?" tanong saakin nung nagbabantay.

"A-Ahh, hehe. Hmm, may payphone po ba kayo dito?"

"Naku, nasira kasi yung telepono ehh. Pasensya ka na ha? Bukod doon, ano pang maipaglilingkod ko? Bibili ka ba ng mga---"

Bago pa niya ako alukin ng mga binebenta niya, agad ko na siyang pinutol. "Ayy h-hindi po Ate! Hindi ako bibili!"

Nagtataka siyang bigla. Buti nalang napangunahan ko yung sasabihin niya. Grabe, hindi ko alam na--- "Ganun ba? Para kasing kanina ka pa uhaw eh, akala ko may balak kang bumili ng softdrinks" sabi niya.

Wait what?! Akala ko---

Shit this!! Bakit ko tinanggihan? Akala ko kasi iba yung tinutukoy niya. Akala ko yung ano yung tinutukoy niya. Yung ano... Kasi puro ano yung nasa tindahan niya. Ano ba? Kasi nga, yung ano mga tinda ni ate!

*sighs*

Contraceptives.

Ayan. 'Yan yung mga nasa tindahan ni Ate. Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng nandito ay puro ganyan pero isa lang ang alam ko. Hinding-hindi ako bibili ng ganyan! Bukod sa magsasayang lang ako ng pera, walang magandang maitutulot 'yan saakin.

Grabe nakakahiya naman. Bakit siya nagbebenta ng ganun? Ginagamit ba niya 'yon lahat? Nakakadiri naman!

A/N: Maka-kadiri ka naman! Parang hindi ka gumagamit ng ganyan ah!!

HOOOOOYYYYY!!!! Hindi naman talaga eh! Kahit itanong mo pa kay Liza or Janna eh, sila yung mga madalas kong kasama no. Wag kang epal dyan author ah. Storya ko 'to kaya quiet ka lang dyan kuha mo?

A/N: Okay shattap na akezzz *zips mouth*

"Miss okay ka lang?"

Nagising ako sa pagde-daydream nang magsalita yung tindera. Actually, labag sa kalooban kong tawagin siyang tindera kasi ang ganda niya at sexy pa! Kung hindi mali ang instincts ko, mga two or three years lang ang tanda niya saakin. Halata kasi sa mukha niya eh.Naka short shorts siya at fit na sando kaya kitang kita ang sexy niyang body.

Bigla tuloy ako napatingin sa katawan ko. Sana kasing sexy niya din ako! ToT

"Ahh o-opo. Tatanong ko din sana kung nasaan yung twin house dito? Kanina ko pa kasi hinahanap eh."

"Sabi ko na nga ikaw yun eh" nilabas niya ng bahagya yung ulo niya sa butas doon saka ulit ako kinausap. "Diretso ka lang tapos sa pangalawang kanto kumanan ka, nandun na yun."

Diretso tapos sa pangalawang kanto kakanan. Got it. Pero... "Uhm, ate may aso ba dito?"

Napatawa siya ng bahagya dahil sa tanong ko.

BAKIT?! EH SA TAKOT AKO SA ASO EH.

Takot ko nalang na may biglang magpakita saaking aso at habulin ako. Ayoko!! Takot ako sa aso kahit anong gawin nila. Madalas akong tinatahulan ng aso kahit wala naman akong masamang intension sakanila. At kung minsan sinusundan pa ako. Mamaya may rabbies yung mga 'yon.

Living With A ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon