CHAPTER 9

29 10 0
                                    


"Hay! sa wakas natapos na din"
Tumayo si Lorin sa pagkakaupo at nag-unat ng kanyang katawan.

Kakatapos lang namin ng fourth period at ngayon ay Lunch na kaya naman nagliligpit na ko ng gamit sa aming table.

"Grabe ang gwapo talaga ng senior natin hano!" Bulong ng mga kaklase namin na hangang ngayon ay si Luke pa din ang bukang bibig.

Kanina pa umalis si Luke saktong pagkatapos ng aming first period sadyang hindi lang talaga maka get over ang mga kaklase ko sa kanya.

"Oo nga eh, may girlfriend na kaya yun?"sabi nung isa.

"Gaga natural! Sa poging yon hindi magkaka girlfriend"

"Hay, sana all na lang kung sino man ang girlfriend nun"Napailing na kang ako sa pinag uusapan nila at tsaka tumayo na.

"You done?" Tumango ako kay Lorin at tsaka kinuha ang mga librong ilalagay ko sa aking locker.Lumabas kami ng classroom at nakita namin si Dianna na naghihintay sa amin.

"Tara na nagugutom na ko!" Saad nya.

"Dumaan muna tayo sa Locker ko ibabalik ko lang tong mga Libro"tumango si Dianna at akmang aalis na kami ng napansin namin si Lorin na tutok na tutok sa cellphone nya.

"Huy Lorin!"bahagyang nagulat si Lorin at tsaka bumaling sa amin.

"Ano? Tara na gutom na ko!"

"Ah, eh sorry guys inaaya kasi ako ng pinsan ko na sakanila ni kuya ako sumabay kumain ng Lunch"si Lorin.

"Ganun ba?,o sige una na kami ni Dianna"tumango si Lorin sa amin at tsaka tumakbo sa kabilang side ng corridor samantalang kami naman ni Dianna ay sa kanan dahil kaylangan pa naming daanan ang aking Locker.

"Hmm, napansin ko lang...hindi pa natin nakikita yung pinsan ni Lorin, siguro kasing pogi din yun ng Kuya nya"sa tagal naming kilala si Lorin ay ni minsan ay hindi pa namin nakikilala ang pinsan nya well actually di din namin alam ang itsura nito.

"Siguro isa yon sa mga palaging kasama ni Wallden"nag kibit lang ako ng palikat.

Kilala ang Magkapatid na si Lorin at Wallden dito sa school hindi lang dahil sa member sila ng Varsity, at ang mga magulang nila ang isa sa mga stock holder ng school. At nito lang din namin nalaman na pinsan din pala nila yung apo ng may ari ng school namin.

Hindi din namin to kilala kasi ang sabi sabi ay nung last year lang ito nag transfer dito galing ibang bansa at talagang hindi namin to makikilala dahil minsan lang daw ito mamalagi sa school lalo na't kapag may exam lang at may importanteng gagawin dahil daw may mga inaasikaso na sa kanilang business.

Hindi naman na ko na gulat dahil may mga estudyante na din na anak ng mga magagaling at sikat na business man ang mga kumukuha na lang ng special class dahil minsan ay wala na silang time para umatend ng regular classes dahil sinasanay na silang mag handle ng kanilang business.

Kung Tutuusin ay malapit na din akong kumuha non dahil pinipilit ako ni daddy na kaylangan ko ng pag sanayan ang pag handle ng business namin hangga't maaga pa para handi na ako mahirapan pa. Tumanggi lang ako dahil mas gusto ko pang mag aral at madami pa kong time para sa mga business na yan.

"Kung gusto mong malaman edi itanong mo na lang kay Lorin"sabi ko at dumiretso na sa tapat ng aking locker.

"Ayoko nga, baka mapagkamalan pa kong chismosa or stalker"napa iling na lang ako sa sinabi ni Dianna at akmang bubuksan ko na dapat ang pinto ng aking locker ng biglang may tumabig saakin dahilan kung bakit nabitawan ko ang mga hawak kong libro at kumalat iyon sa sahig.

A Blissful Life With You(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now