Tinignan ko ang ang phone ko kung saan sunod sunod nag pup up sa screen ang pangalan ni Dianna at Lorin.
Dianna:
[Hoy asan ka?]
Dianna:
[Hinahanap kita sabi ni tito umuwi kana daw?]
Dianna:
[Hoy gaga ka hinahanap ka ni Luke.]
Lorin:
[Babe where are you?]
Lorin:
[Sabi ni Dianna umuwi kana daw?]
Lorin:
[My Cousin is Looking for you.]
Hugot ako ng malalim na hininga bago sila nirereplyan.
Ako:
[Hey Lorin, oo umuwi na ko sorry hindi ako nakapag paalam, pagod kasi ako kita na lang tayo sa monday. Enjoy the night! Good night!]
Ako:
[Umuwi na ko Dianna, sorry hindi na ko nakapag paalam sa inyo pagod na ko gusto ko ng matulog. Enjoy the party goodnight!]
Pagkatapos kong replayan yung dalawa ay hinanap ko naman ang pangalan ni Luke sa contacts ko upang s'ya naman ang i message.
Ako:
[Hey naka uwi na ko sorry hindi ako nakapag paalam dahil busy ka sa mga tao, kita na lang tayo sa school Happy birthday ulit]
Pagkatapos kong isend iyon ay akmang ilalagay ko na sana sa bedside ang phone ko ng biglang nag vibrate iyon. Akala ko sila Dianna lang yon ngunit halos manigas akong ng makita ang pangalan ng nag message.
Ardin:
[Labas.]
Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya at akmang rereplyan ko na sana s'ya ng biglang tumunog ang phone ko at nag pup up doon ang pangalan n'ya na tumatawag.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at sinagot ang tawag.
"Hello?"saglitang katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya bago s'ya nag salita.
"I'm outside"anya sa malamig na boses.
Nanlaki ang mata ko at agad na napabangon sa pagkakahiga. What?
"H-Huh?"
"Tsss, labas nandito ako sa harap ng bahay n'yo"napalunok ang at unti-unting lumapit sa isa sa bintana ng aking kwarto, hinawi ko ang kurtina at nanlaki ang aking mata dahil andoon nga s'ya.
Nakasandal si Luke sa pinto ng kanyang kotse habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kanyang cellphone na naka tapat sa tenga at ang kanyang kaliwa naman ang nasa bulsa ng kanyang pangalon.
Wala na ang kanyang Coat at vest, at naiwan lamang ang kanyang puting dress shirt na ang sleeve ay naka tupi hanggang siko.
Tumingala s'ya at nag tama ang amin mga tingin. Halos malusaw ako dahil sa diin ng kanyang titig sa akin.
YOU ARE READING
A Blissful Life With You(UNDER REVISION)
RomanceYou are my Wife, you'll be the Madame of this household, you'll carry my surname, you are not allowed to leave me, you are going to carry my heir and you are exclusively mine only. -Luke Ardin Mendez WARNING! Sorry for the wrong grammar and spelling...