Flashback 2
"Gosh haggard na ko" sabi ni Dianna habang nilalagyan ng konting foundation ang kanyang mukha.
Tapos na kaming kumain at ngayon ay nandito kami sa C.R ng mga girls para mag ayos ng aming sarili bago magsimula magsimula ang next period.
Naghilamos naman ako ng aking mukha para matanggal ang mga nutulyong pawis dito At habang nagpupunas na ko ng aking mukha ay may napansin ako sa aking leeg.
Kumunot ang noo ko at tinanggal ang isa pang bottones ng aking uniform para mas lalong makita ang aking leeg. At nanlaki ang aking mata ng makitang wala sa aking leeg ang aking hinahanap.
"Shit!" Kaagad kong hinalungkat ang aking bag para hanapin iyon doon.
"Ano nangyari?" Si Dianna ng mapansin ang biglang pagpakali ko.
"My Necklace is gone" sabi ko at patuloy hinahanap sa aking bag, tumulong din si Dianna pero sa huli ay hindi talaga namin mahanap yun.
"Wala talaga Ven san mo ba huling napansin na suot mo pa to?"umiling ako sa kanya.
"Hindi ko napansin pero ang alam ko bago ako pumasok ay suot ko pa ito"sigurado kong ngayon lang to nawala dahil nung papunta pa lang ako sa school ay tinitigan ko pa ito sa salamin.
Hinalughog namin ang buong CR nga girls pero hindi pa rin namin ito maganap hanggang sa nag ring na ang bell hudyat na malapit ng mag start ang first period ng hapon.
Bigo akong nagpakawal ng aking hiningan.
"Tara na Ven, hindi natin ito kaagad mahahanap lalo na't hindi natin alam king saan ba ito nalalag ang mabuti pa ay ipa-page na lang natin sa Lost and found" malungkot akong tumango kay Dianna at tsaka inayos ang aking mga gamit para maka punta na kami sa office upang ipa Lost and found ang aking Kwintas.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko iyon nakikita ang kwintas na yon ang tanging alala ko kay mommy dahil ayon ang huling regalo nya sa akin bago s'ya namatay. Kaya naman hindi ko ito pwedeng maiwala at kung pwede kong baligtarin ang buong school para lang mahanap ito ay gagawin ko.
"Hmm?, May picture ba kayo nung kwintas?"sabi ng isang staff sa office habang tinitignan ang isang papel kung saan nakalagay ang detalye ng kung anong uri ba ng kwintas iyon at ang aking pangalan.
Agad kong kunuha ang aking phone sa bag at pinakita ang picture ko kung saan kita ang buong itsura ng kwintas.
Tumango ang staff ng makita ito at tsaka in-on yung mic para mai-page na ang nawawala kong kwintas sa buong campus."ATTENTION, LOST NECKLACE THAT HAS A BLUE SAPPHIRE PEAR SHAPED PENDANT, IF YOU FOUND IT PLEASE RETURN IT TO THE ADMIN'S OFFICE NOW, THANK YOU"
Pagkayari ng announcement ay sinabi sa amin na maghintay na lang daw ng may mag re-return ng makakakita ng aking Kwintas sa ngayon ay pumasok daw muna kami sa klase.
"Don't worry Ven mahahanap din natin yun"tumango ako sa kanya at nagpaalam na papasok na ako ng aking classroom.
"Ang tahimik mo ayos ka lang?" Tanong ni Lorin na siguro ay kanina pa napansin ang pagkakatahimik ko.
Tumango ako sa kanya pilit na ngumiti."Naka salubong ko si Dianna kanina ng papunta ako dito, sanabi n'ya sa akin na nawawala daw yung necklace mo"
"Oo hindi ko alam kung saan ba nahulog"sabi ko at tsaka binalik ang tingin sa prof namin sa harap. she sigh.
"Don't worry, magtatanong tanong din ako sa mga kakilala ko kung may nakita or napulot ba sila na necklace"she smiled at me.
"Thank you"sabi ko and she wink at me. Bahagya akong natawa at tsaka ibinaling na ang buong atensyon sa prof naming nagsasalita sa harap.
YOU ARE READING
A Blissful Life With You(UNDER REVISION)
RomansaYou are my Wife, you'll be the Madame of this household, you'll carry my surname, you are not allowed to leave me, you are going to carry my heir and you are exclusively mine only. -Luke Ardin Mendez WARNING! Sorry for the wrong grammar and spelling...