CHAPTER 4

35 10 0
                                    

Matapos ang ilang pagbati ng mga kasamabahay at mga tao sa mansion ay nakalabas na din ako.pababa na ako ng Veranda ng may nakasalubong akong matandang babae na paakyat sa veranda

Ngumiti s'ya sa akin kaya sinuklian ko din s'ya ng tuluyan s'yang naka akyat ay huminto s'ya harapa ko.

"Ikaw siguro si Lady Venice ng Pamilya
Tayer?"ngumiti ako at tumango.

"Opo"tinagilid n'ya ang kanyang ulo tila ba ako ay sinusuri.

"Di nga sila nagkamali,ang ganda mo nga siguro ay maganda din ang iyong kalooban"

Enebe Lola nakakatouch naman ang pagpuri mo.

"Salamat po"

"Siguro ay maganda din ang magiging anak mo"ayy grabe naman ang pagpuri ni Lola nakaka antig ba ng puso.

"Bagay talaga kayo ni Master"

"Ho?"ok na sana e,bat kaylangan pang banggitin yon.

"Ayy nagkakamali po kayo,matagal na po kaming wala ni Luke"

"Huh?...bakit-ay oo nga pala"napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lola.

"Pero eto ang tandaan mo hija malalaman mo na talagang tinadhana talaga kayo sa isa't isa ng taong mahal mo ay kahit ano pang delubyo ang nagpalayo sa inyo ay magkikita at magkikita pa din kayo sa huli dahil kayo ang tinadhana sa isa't isa"
Napatango na lang ako sa sinabi ni Lola.

"Nay,manghuhla po ba kayo?,pakihulaan nga po kung sino yung taong sinasabi nyo nang mapakasalan ko na"sabi ko ngunit tumawa lang s'ya.

"Hija,hindi ako manghuhula ngunit kung ang tinatanong mo ay yung taong tinutukoy ko ay dumating na s'ya sa buhay mo...kahapon pa"

"Nako Nay a,baka niloloko mo lang ako...eh simula kahapon wala akong nakikilalang poging mabait na mala Greek God ang itsura..."

"Pero kung Demunyong nilalang ang tinutukoy n'yo ay nakilala ko na nga kahapon"

"Huh?,nasan?"pagtataka n'ya tanong.

"Yung demunyo po?...nandoon po sa Study nagtatrabaho"tumawa naman s'ya ng malaman kung sino ang tinutukoy ko.
Oh diba...pag usapang demunyo alam na kung sino tinutukoy.

"Ikaw talaga,oh s'ya ang tagal na nating naguusap ay hindi mo pa ko nakikilala"
Oo nga noh,anyare sa don't talk to strangers ha Venice.

"Ako nga pala si Nany Delya,ako ang mayordoma dito"

"Tawagin nyo na lang po akong Venice,in short sa Maganda"pagbibiro ko.tumawa s'ya.

"Oh s'ya sa ka ba tutungo?"

"Pupunta lang po ako seaside"

"Kung ganon ay doon kana sa likod dumaan dahil pag labas mo don ay nasa beach kana,pag sa gate ka pa dumaan ay malayolayo pa dahil nandoon ang entrance ng Resort"tumango ako.

"Sige po"

"Oh s'ya mauna na ako sa loob"
Tumango ako sa kanya.

Pumasok na s'ya sa loob ako naman ay bumaba na sa veranda.pumunta ako sa gilid ng mansion kung saan tinuro ni nany Del,may nakita akong patway doon kung saan ang dulo ay isang maliit na wooden gate.

A Blissful Life With You(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now